Saturday, 15 February 2014

Sa ginagawang pagsamba ng Iglesia ni Cristo sa ating Panginoong JesuCristo, sumasamba nga ba sa tao ang mga kaanib nito?

Sa ginagawang pagsamba ng Iglesia ni Cristo sa ating Panginoong JesuCristo, sumasamba nga ba sa tao ang mga kaanib nito? Pag sinasabi po ng mga kaanib na kaya sinasamba dahil utos ng Diyos na sambahin, kaya kami sumasamba kay Cristo, sasabihin nila agad bilang tuligsa sa sagot, kasi hindi naman nila nauunawaan ang sinasabi ng mga talata ay: “BLAME GOD”.
Nakikita po ninyo ang pagiging lapastangan nila sa Diyos sisihin daw ang Diyos kasi iniutos, na bunga lamang ng hindi nila pagkaunawa sa talata?

Ito po ang madalas na sabihin ng mga tumutuligsa sa Iglesia ni Cristo, dahil nga po sa ang Iglesia ni Cristo ay naniniwala at sumasampalataya na ang Panginoong Jesus ay tao sa likas na kalagayan(Juan 8:40) na labag nga daw sa aral na nakasulat sa biblia na sambahin ang tao, at dapat sa Diyos lang sumamba.

Tama naman po yan, kasi iyan po ang isinasaad ng talata sa biblia.

 Sa Lucas 4:8 ay ganito nga po ang  ating mababasa, atin pong tunghayan:

At si Jesus ay sumagot at sinabi sa kaniya, Nasusulat, Sa Panginoon mong Dios sasamba ka, at siya lamang ang iyong paglilingkuran.”

At sa Apoc.22:8-9 naman po ganito din po ang  ating mababasa:

“At akong si Juan, ako ang nakarinig at nakakita ng mga bagay na ito. At nang aking marinig at makita, ay nagpatirapa ako upang sumamba sa harapan ng anghel na nagpakita sa akin ng mga bagay na ito.  At sinasabi niya sa akin, Ingatan mong huwag gawin iyan: ako'y kapuwa mo alipin at ng iyong mga kapatid na mga propeta, at ng mga tumutupad ng mga salita ng aklat na ito: sumamba ka sa Dios.”

Katulad nga daw po nangyaring ginawa ni Juan na kahit sa anghel ay hindi hinayaang sumamba kasi ang dapat lang daw sambahin ay ang Diyos.

 Kung anghel nga daw ay hindi pwedeng sambahin tao pa? Sa ganitong pangangatuwiran nga po kung mahina ang iyong pananampalataya, masasabi mo sigurong, “oo nga ano” may punto.

Subalit bago po tayo gumawa ng ganyang reaksyon, tama nga ba  na sa pagsamba ng Iglesia ni Cristo kay Cristo, ay sumasamba sa tao ang mga kaanib?

Ang sagot po ay HINDI!

Baka sabihin ninyo, teka, sandal lang! diba naniniwala kayong tao si Cristo, tapos sinasamba ninyo, eh di sumasamba nga kayo sa tao?

Ang sagot nga po ay HINDI! 

Hindi naman po kasi dahil tao si Cristo o ano pa man, o mas lalong hindi dahil Siya ay Diyos, kaya sinamba?

Ang isa po sa utos ng Diyos na sambahin si Cristo ay mababasa sa Hebreo 1:4-6 na ganito ang  ating mababasa, tunghayan po natin…..


“Na naging lalong mabuti kay sa mga anghel, palibhasa'y nagmana ng lalong marilag na pangalan kay sa kanila.  Sapagka't kanino nga sa mga anghel sinabi niya kailan man, Ikaw ay aking Anak, Ikaw ay aking ipinanganak ngayon? at muli, Ako'y magiging kaniyang Ama, At siya'y magiging aking Anak? At muli nang dinadala niya ang panganay sa sangkalupaan ay sinasabi, At sambahin siya ng lahat ng mga anghel ng Dios.”


Hayan po, atin pong mababasa na “nagmana ng lalong marilag na pangalan kesa mga anghel, kaya ipinasamba sa kanila.

Dito po nangangatuwiran ang karamihan na tumutuligsa sa pagsamba ng Iglesia ni Cristo, na hindi naman daw kasama ang tao sa pinasasamba kundi mga anghel lang, bakit sasamba pati tao? 

Tama po kaya sila na kesyo hindi mababasa sa Hebreo 1:6 na pati tao ay pinasasamba, kaya hindi kasali ang tao sa sasamba sa Cristo.

 Kaya  mali daw talaga ang Iglesia ni Cristo, kasi kaya daw ipinasamba si Cristo kasi Diyos. 

Ang tanong po, iyan din po ba ang sinasabi ng talata? Ang sagot, Hindi po, ano po kang gayon ang sinsasabi nila?
 Iyan po ay pangangatuwiran lamang po nila, kasi hindi nga din sinabi ng talata na Diyos si Cristo kaya ipinasasamba.

Ituloy po natin ang ating pagsusuri, kung ganun saan po nakasulat na dapat sambahin si Cristo ng mga tao?

Sa Filipos 2:9-11 ay ganito po ang  ating mababasa, atin pong tunghayan….

“Kaya siya naman ay pinakadakila ng Dios, at siya'y binigyan ng pangalang lalo sa lahat ng pangalan;  Upang sa pangalan ni Jesus ay iluhod ang lahat ng tuhod, ng nangasa langit, at ng nangasa ibabaw ng lupa, at ng nangasa ilalim ng lupa, At upang ipahayag ng lahat ng mga dila na si Jesucristo ay Panginoon, sa ikaluluwalhati ng Dios Ama.”


Sa talata po ating mapapansin ang mga banggit na,”lahat ng tuhod” Sa lahat po ng may tuhod, ang tao po ba walang tuhod? 

Ang sagot po natin syempre po ang tao ay may tuhod, kaya kasama ang tao sa pinasasamba. 

Sa English “all knees shall bow down” na ang kahulugan nga ay pagsamba.

Sa talata din ating nabasa na katulad ng nasa Heb.1:4 nagmana ng marilag na pangalan, dito naman sa Filipos 2:9 ating nabasa na “siya'y binigyan ng pangalang lalo sa lahat ng pangalan”  upang ano daw?

 Sa pangalan na iyan ay ay iluhod ang lahat ng tuhod.

Tanong: Ano ang ibinigay?

 Ang sagot: Pangalan

Tanong: Sino ang nagbigay?

Sagot: Ang Ama!

Bakit natin natitiyak na ang Ama ang nagbigay, samantalang wala naman tayong mababasa na Ama sa talata?
 Simple lang ang ating sagot dyan, alam naman natin na ang biblia ay hindi lang Filipos 2:9 meron pang ibang talata na nakasulat sa biblia. Kung gayon, pano po natin natitiyak na ang Diyos na binabanggit sa talata ay ang Ama? Hindi po tayo magkukuro-kuro, biblia din po ang sasagot sa atin. Sa Juan 17:11 ganito po an gating mababasa, atin pong tunghayan muli…..
“At ngayon, ako’y papunta na sa iyo; iiwanan ko na ang sanlibutang ito, ngunit sila ay nasa sanlibutan pa. Amang banal ingatan mo sila sa pamamagitan ng kapangyarihan ng IYONG PANGALAN, ANG PANGALANG IBINIGAY MO SA AKIN, upang kung paanong ikaw at ako ay iisa, gayundin naman sila’y maging isa.”

Nakita po natin, binanggit ng Panginoong Jesucristo na “Amang Banal” kung gayon ang pangalan na ibinigay sa Cristo ay galing sa Ama.

Ang tagpo pong iyan ay panalangin ni Cristo para itagubilin ang mga kaanib sa Iglesia bago Siya umakyat sa langit. 

Pinaiingatan sa kapangyarihan ng Pangalan, Pangalang ibinigay sa Kanya. Maliwanag na ang pangalang taglay ni Cristo ay bigay ng Diyos. Sa ating mga pagsamba, nanalangin po tayo, ano naman po ang turo ni Cristo pag nanalangin? 

Hindi po ulit tayo manghuhula, biblia po ulit ang sasagot sa atin. Sa Lucas 11:1-2 ganito po ang  ating mababasa, tunghayan po nating muli……

At nangyari, nang siya'y nananalangin sa isang dako, nang siya'y matapos, ay sinabi sa kaniya ng isa sa kaniyang mga alagad, Panginoon, turuan mo kaming manalangin, na gaya naman ni Juan na nagturo sa kaniyang mga alagad.  At sinabi niya sa kanila, Pagka kayo'y nagsisipanalangin, inyong sabihin, Ama, Sambahin nawa ang Pangalan mo. Dumating nawa ang kaharian mo”

Alin po ang ipinasasamba? “ANG PANGALAN ng Diyos.

 Ano ang Pangalang ibinigay ng Diyos sa Anak? Muli po sa biblia po ulit tayo babasa, sa Gawa 4:10-12, ganito naman po an gating mababasa:

“Talastasin ninyong lahat, at ng buong bayan ng Israel, na sa pangalan ni Jesucristo ng taga Nazaret, na inyong ipinako sa krus, na binuhay ng Dios na maguli sa mga patay, dahil sa kaniya ay nakatindig ang taong ito sa inyong harap na walang sakit. Siya ang bato na itinakuwil ninyong mga nagtayo ng bahay, na naging pangulo sa panulok. At sa kanino mang iba ay walang kaligtasan: sapagka't walang ibang pangalan sa silong ng langit, na ibinigay sa mga tao, na sukat nating ikaligtas”


Hayan, maliwanag na po kung bakit sa panalangin ng Panginoong Jesus ay pinaiingatan sa kapangyarihan ng Pangalan, pangalang bigay ng Ama, kasi iyan pala ang ikaliligtas ng mga inihabilin Niya.

 Iyan din ang Pangalang taglay Niya na galing sa Ama.

 Balikan natin ang sinasabi ng Filipos 2:9-11, Mababasa natin na sinasabi ng talata na: “At upang ipahayag ng lahat ng mga dila na si Jesucristo ay Panginoon, sa ikaluluwalhati ng Dios Ama.”

Taglay ni Cristo ang Pangalang galing sa Ama, kaya po naluluwalahati ang Ama dahil ang totoong sinamba ay ang Pangalan bigay, katulad ng turo ni Cristo sa Lucas 11:2

 “………Sambahin nawa ang Pangalan mo” Hindi po tao ang sinasamba kundi ang Pangalan ng Diyos na taglay ni Cristo.

 Ang tunay po na pagsamba ay lubusang pagpapasakop sa kalooban ng Diyos. Hindi po natin. Ito po ang itinuro ni Cristo mismo sa Juan 4:24, basahin pong muli natin….

Ang Dios ay Espiritu: at ang mga sa kaniya'y nagsisisamba ay kinakailangang magsisamba sa espiritu at sa katotohanan.”

Ano po ang katotohanan ayon sa biblia? Basa: Juan 17:17…….

“Pakabanalin mo sila sa katotohanan: ang salita mo'y katotohanan”


Alin ang katotohanan?  Ang salita ng Diyos! 

Ang pagsamba ba kay Cristo utos ng Diyos?   Opo! 

Sa pagsunod ba sa kalooban ng Diyos, napapapurihan ang Diyos?   Opo! 

Tao ba ang sinamba?   Hindi po!

Tuesday, 9 July 2013

Sigarilyo, dapat bang ibawal kahit na hindi mababasa sa biblia, o ang nararapat ay umiwas dahil sa kalusugan, at samang idudulot nito?

Binabatikos po ng mga kaibayo namin sa pananampalataya ang hindi pagbabawal sa mga kaanib ng INC na manigarilyo, ang payo kasi sa amin na mga kaanib ay IWASAN ANG MANIGARILYO KASI NAKAKASAMA ITO SA KALUSUGAN. Binabatikos po nila ang gawang iyan ng iba naming mga kapatid at bakit daw tinotolerate at hindi itinitiwalag? Una po, mali ang sinasabi nilang tinotolerate ito, kasi po maliwanag sa unahan ng aking sinasabi na PINAIIWASAN ANG MANIGARILYO KASI NAKAKASAMA NG KATAWAN HINDI PO ITO TINOTOLERATE. Ang ibang pananampalataya katulad ng Jehovah’s Witness, ADD, at iba pang relihiyon ay nagbabawal sa paninigarilyo sa kanilang member, para po sa amin wala namang  masama dyan kung ibawal man nila na huwag manigarilyo , para din yan sa kalusugan ng member nila. Agree naman po kami sa INC na nakakasama ng kalusugan ang sobrang paninigarilyo, pero ano po ang  aming tinututulan sa kanilang sinasabi? Tinututulan po namin ang mali nilang pakahulugan sa ginagamit nilang talata.  Sinisitas po nila unang-una sa panig ng JW, ay ang Isaias 1:16 at sa ADD naman ay ang nasa Galacia 5:19-20. Ayon sa kanilang tanong: “MASAMA BA ANG PANINIGARILYO?”Pansinin po ninyo ang akin pong pananalita ay mababasa sa blue at ang sa kaibayo ay violet  at ganito ang sinabi ng Jehova’s Witness:

“Ang Pangmalas ng Bibliya.

“Maghugas kayo; magpakalinis kayo; alisin ninyo ang kasamaan ng inyong mga gawain mula sa harap ng aking mga mata; tigilan ninyo ang paggawa ng masama.” (Isaias 1:10, 16)”

Ito pong talata na ito ay hindi literal na pag dumi sa katawan katulad ng paninigarilyo na literal na dumudumi sa katawan dahil ang sigarilyo ay may toxic substance ito katulad n gating makikita sa sinasabi ng mga nagsipagsuri nito, dito:

What's In Cigarette Smoke?
Cigarette smoke contains over 4,000 chemicals, including 43 known cancer-causing (carcinogenic) compounds and 400 other toxins. These include nicotine, tar, and carbon monoxide, as well as formaldehyde, ammonia, hydrogen cyanide, arsenic, and DDT.
Nicotine is highly addictive. Smoke containing nicotine is inhaled into the lungs, and the nicotine reaches your brain in just six seconds” Source: http://www.quitsmokingsupport.com/whatsinit.htm

Kaya po pinaiiwasan talaga ito sa mga kaanib lalo na sa mga may tungkulin. Ipagpatuloy po natin ang pagsipi sa sinasabi ng isang JW….

“Gusto ng Diyos na ang kaniyang mga mananamba ay maging malinis sa bawat pitak ng kanilang buhay. At hindi mo masusunod iyan kung NANINIGARILYO ka! Bakit? Maaaring ikatuwiran ng iba na…

“May utos ba sa Bibliya na “Masama ang Paninigarilyo? Wala naman di ba?” o “May mababasa ka bang sigarilyo o tabako sa Bibliya? Wala naman di ba?”

Totoo naman iyan. Pero iyan ay puro-hangin na pangangatuwiran lamang yamang ang tabako ay hindi pa naman ganoon kakilala noong panahon ni Jesus sa Gitnang Silangan kaya hindi ito nabanggit sa Bibliya. Pero ang katunayan na ang PANINIGARILYO AY LABAG SA SIMULAIN NG BIBLIYA at gayundin SA MORAL NA PAGGAWI ay lilinawin ng mga sumusunod na talata mula sa Bibliya mismo. Suriin natin.”

Bweno bago po tayo dumako sa mga sinipi niyang mga talata na batayan, hayaan ninyong sagutin ko muna itong mali niyang haka-haka….. Ayon sa mga sumusubaybay sa tabako ganito ang kanilang sinasabi:

The tobacco plant is believed to be widely spread in America since the 1st Century. The written history of cigarettes dates back to the early 16th century when Spaniards conquerors witnessed the Aztec Indians smoking an ancient cigarette, it was a cane or reed tube stuffed with tobacco. It was the Spaniards who introduced the cigar in the old world.” Source: http://www.tobaccoseed.ca/

Ipagpatuloy po natin ang pagsilip sa mga sinasabi ng isang JW tunghayan po natin….

Sabi  ng  JW:
“1. “Yamang taglay natin ang mga pangakong ito, mga minamahal, linisin natin ang ating sarili mula sa bawat karungisan ng laman at espiritu, na pinasasakdal ang kabanalan nang may pagkatakot sa Diyos.” (2 Corinto 7:1) Nais ni Jehova na maging malinis tayo mula sa mga gawaing nakapagpaparumi ng katawan at nakasisira ng ating espiritu, o nangingibabaw na hilig ng kaisipan. Kaya dapat nating iwasan ang nakasusugapang mga gawain na karaniwang nakapipinsala sa ating katawan at isip. Isa na diyan ang paninigarilyo.

Muli po, hindi po literal na pagpapadumi sa katawan ang tinutukoy dyan, iyan po ay tumutukoy sa mga kasalana o masamang Gawain, at hindi po kasama dyan ang sigarilyo tunghayan po natin ang tinutukoy niyan na karumihan ng laman. Heto po:

At magsilakad kayo sa pagibig, gaya rin naman ng pagibig ni Cristo sa inyo, at ibinigay dahil sa atin ang kaniyang sarili, na hain at handog sa Dios upang maging samyo ng masarap na amoy.   Nguni't ang pakikiapid, at ang lahat ng karumihan, o kasakiman, ay huwag man lamang masambit sa inyo, gaya ng nararapat sa mga banal; O ang karumihan man, o mga mangmang na pananalita, o ang mga pagbibiro, na di nangararapat: kundi kayo'y magpasalamat.   Sapagka't talastas ninyong lubos, na sinomang mapakiapid, o mahalay, o masakim, na isang mapagsamba sa mga diosdiosan, ay walang anomang mamanahin sa kaharian ni Cristo at ng Dios.” (Efeso 5:2-5)

Kaya po ang JW na ito ay nandadaya ng mambabasa sa pagsitas niya sa Isaias 1:16 at II Corinto 7:1 dahil ang mga tinutukoy dyan ay hindi literal na “karumihan ng laman” Kaya ano po an gating maipapayo sa kanila?

Basa:

“ Huwag kayong madaya ng sinoman ng mga salitang walang kabuluhan: sapagka't dahil sa mga bagay na ito'y dumarating ang galit ng Dios sa mga anak ng pagsuway.” (Efeso 5:6)

Ano pa po ang kanyang pagpapatuloy? Basahin pong muli natin…..


“Binibigyan tayo ng Bibliya ng isang matibay na dahilan para “linisin natin ang ating sarili mula sa bawat karungisan.” Pansinin ang unang binanggit sa 2 Corinto 7:1: “Yamang taglay natin ang mga pangakong ito.” Anong mga pangako? Gaya ng binabanggit sa sinundan nitong mga talata, nangangako si Jehova: “Tatanggapin ko kayo. At ako ay magiging isang ama sa inyo.” (2 Corinto 6:17, 18) Isip-isipin: Nangangako si Jehova na poproteksiyunan at iibigin ka niya, gaya ng isang ama sa kaniyang anak. Subalit tutuparin lamang ni Jehova ang mga pangakong ito kung iiwasan mo ang karungisan ng “laman at espiritu.” Kung gayon, isa ngang kamangmangan na hayaan ang anumang kasuklam-suklam na gawain na makasira sa iyong napakahalaga at malapĂ­t na kaugnayan kay Jehova!”


Makikita po natin na sinipi nga po ang II Corinto 7:1 para iligaw ang mga mambabasa na ang nasa Isaias 1:16 ay kasama ang sigarilyo na literal na nagpapadumi ng katawan, at hindi tumutukoy sa pagpapadumi na binabanggit ng II Corinto 7:1 perop bakit po niya sinipi ang II Corinto 7:1? Para po iligaw kayo at maisip ninyo na ang literal na karumihan ng katawan ay katulad din ito ng karumihan na binabanggit sa Isaias 1:16 at II Corinto 7:1, mandaraya po ano?  Nakita ba ninyo ang pandaraya? Sa simula ng latag niya, ang pagtukoy niya sa karumihan ay literal, hindi ang ibig sabihin ng talata na ito ay “espiritwal” na karumihan, at hindi yaong literal na nikotina na lason na pumapasok sa katawan ng tao. Ang tawag po sa ginagawa nila ay “Fallacy of equivocation”

Ipagpatuloy natin:

2. “Iibigin mo si Jehova na iyong Diyos nang iyong buong puso at nang iyong buong kaluluwa at nang iyong buong pag-iisip.” (Mateo 22:37) Ayon kay Jesus, ito ang pinakadakila sa lahat ng utos. (Mateo 22:38) Nararapat lamang na ibigin natin si Jehova. Upang maipakita natin sa kaniya ang ating pag-ibig nang buong puso, buong kaluluwa, at buong pag-iisip, dapat nating iwasan ang mga gawaing makapagpapaikli ng ating buhay o makapagpapapurol ng ating bigay-Diyos na pag-iisip. Gaya ng alam na natin, ang paninigarilyo ay totoong nagpapaikli ng buhay.

Muli po malayo sa paksang sigarilyo, isiningit lang po ang kanilang mga haka-haka, para bagang nasa talata yang mga sinabi niya o nila(JW)

3. “[Si Jehova] mismo ang nagbibigay sa lahat ng buhay at ng hininga at ng lahat ng mga bagay.” (Gawa 17:24, 25) Ang buhay ay isang kaloob mula sa Diyos. Yamang mahal natin ang Tagapagbigay-Buhay, nais nating pahalagahan ang kaloob na ito. Iniiwasan natin ang anumang gawaing nakasasama sa ating kalusugan, sapagkat alam natin na kung gagawin natin ito, tuwiran nating winawalang-halaga ang kaloob na buhay.—Awit 36:9.”


Muli panloloko na naman ito, at kapaimbabawan, bakit ko  po nasabi ito?Ako po ay agree na dapat ingatan natin an gating katawang lupa para sa ating mgg paglilingkod sa Dios, paano tayo makpaaglilingkod ng maayos kung sira an gating katawang laman? Agree po ako na dapat ingatan ang ating katawan. Pero muli po ipapakita ko sainyo na iyan ay kapaimababawan at hindi naman talaga naipakita na gamit ang talata ay iningatan nila ang kanilang katawan sa literal na pagdumi ng katawan, bakit po? Kasi kung ang usok na nakakalason na malalanghap mo sa sigarilyo kaya nila ibinawal ay makakasira sa katawan, ang usok ban a nagmumula sa tambutso ng sasakyan ay iniiwasan nilang malanghap? Kung ganun, masasabi ba nilang may doktrina sila na pag lalabas sila ng bahay ay dapat magsout sila ng “FACE MASK” para maiwasan ang sadyang paglanghap ng usok ng sasakyan?  Malamang po wala silang doktrina dyan kasi hindi naman natin nakikita na nakasout ang lahat ng kaanib sa Jehovah’s Witness na nakasout ng “FACE MASK”. Kung gayon, hindi sila nakakasunod sa sinasabi nilang dapat ay ingatan ang katawan na madumihan ng usok o anumang nakakasira dito, kasi nakakasira din ang carbon monoxide sa katawan ng tao, lason din ito. Namimili ba?

4. “Iibigin mo ang iyong kapuwa gaya ng iyong sarili.” (Mateo 22:39) Karaniwan nang may epekto ang maruruming paggawi hindi lamang sa gumagawa nito, kundi maging sa mga taong nasa palibot niya. Halimbawa, makapipinsala sa isang di-naninigarilyo na makalanghap ng usok mula sa isang naninigarilyo. Ang isang indibiduwal na nakapipinsala sa kaniyang kapuwa ay lumalabag sa utos ng Diyos na ibigin ang ating kapuwa. Ipinakikita rin nito na hindi totoo ang kaniyang pag-aangkin na iniibig niya ang Diyos.—1 Juan 4:20, 21.”


Muli po, ang itatanong natin sa kanila, ang lahat ban g kaanib sa samahang Jehovah’s Witness ay hindi gumagamit ng sasakyan? Iniiwasan ba nilang ang kapwa nila ay makalanghap ng nakakalasong usok? Kung gumagamit sila, ibig sabihin ba nito sadya nilang nilalason ang kapwa tao nila sa pamamagitan ng usok ng sasakyan nila? Muli po kapaimababawan!


5. “Magpasakop at maging masunurin sa mga pamahalaan at sa mga awtoridad bilang mga tagapamahala.” (Tito 3:1) Sa maraming lupain, ang pagkakaroon o paggamit ng ilang uri ng gamot ay labag sa batas. At siguro naman ay pamilyar tayong lahat sa kawikaan na: “GOVERNMENT WARNING: CIGARETTE SMOKING IS ‘DANGEROUS’ TO YOUR HEALTH!” Kaya ang mga tunay na Kristiyano ay hindi dapat bumibili, tumatanggap, o gumagamit ng mga ipinagbabawal na gamut, maging ng sigarilyo o tabako.—Roma 13:1.”


Wow! Ano daw? Magpasakop? Eh ginagawa ba nila ito? Sila ba ay nagpapasakop sa mga pamahalaan? Sinusunod ba nila ang utos ng gobyerno na bomoto? Magsundalo? Magpulis? Sinusunod ba nila ito? Hindi po! Katunayan po may pagbabawal sa kanila ang bomoto at magsundalo dahil ang mga pamahalan daw n a ito lahat ay  sa Dyablo! Sipiin po natin ang kanilang pag  amin sa kanilang aklat….

“ Dahil dito’y makatuwirang isipin na ang lahat ng pamahalaan sa sanlibutan ay sa Dyablo. Papaano niya maiaalok kay Cristo kung yaon ay di sa kaniya? Siya ang di nakikitang tagapamahala ng mga pamahalaang yaon.[Hayaang Maging Tapat Ang Dios (Brooklyn, N.Y., U.S.A.: Watch Tower Bible and Tract Society, Inc., 1950) p.46]

Ang tanong mga mambabasa, kung ang lahat ng pamahalaan ay sa Dyablo, nagbabayad ba sila ng buwis sa mga pamahalaang ito?
Tingnan natin kung ano ang kanilang pa gamin……

Do Jehovah's Witnesses pay taxes?

Answer:
While the Christian faiths registered with the IRs as religious non-profits do not as a church have to pay taxes, the individual Christians of these faiths do. Thus the Witnesses, like all Christians, have to "render to Caesar"!
Yes, we do.

"For that is why you are also paying taxes; for they are God's public servants constantly serving this very purpose. Render to all their dues, to him who calls for the tax, the tax; to him who calls for the tribute, the tribute; to him who calls for fear, such fear; to him who calls for honor, such honor." - Romans 13:6, 7.
 : Source:
http://wiki.answers.com/Q/Do_Jehovah's_Witnesses_pay_taxes

Hindi po kami tutol sa pagbabayad ng tax sa gobyerno kasi utos naman talaga ito ng biblia, alin po ang wirdo sa kanilang doktrina? Heto po! Kung ang lahat ng pamahalaan ay sa Dyablo, samakatuwid pala lahat ng programa ng gobyerno na sa Dyablo ay sinusuportahan nila? Lumilitaw nito sumusoporta sila sa Dybalo.



6. “Dahil dito ay namamanhik ako sa inyo sa pamamagitan ng habag ng Diyos, mga kapatid, na iharap ninyo ang inyong mga katawan na isang haing buháy, banal, kaayaaya sa Diyos…” (Roma 12:1) Hindi kailanman naging malinis at kaayaaya ang sigarilyo dahil na rin sa nilalaman at epekto nito. Kaya naman tunay na hindi maihahain ng isa ang kaniyang katawan sa Diyos kung siya ay naninigarilyo.”


Saan kaya niya nabasa sa biblia na dahil sa sigarilyo ay hindi na kaaya-aya ang isang tao kung ito naman ay nakakasunod sa mg autos ng Dios? Remember wala po sa biblia na bawal manigarilyo, ang pagbabawal po ay sa tao, karamihan nga po naipakita ko na sa itaas ay pawang laman lamang ng kanilang mga paghahaka-haka sa talatang ginamit nila.


7. “At ang mga gawa ng laman ay hayag, at ang mga ito ay pakikiapid, karumihan, mahalay na paggawi, idolatriya, pagsasagawa ng espiritismo, mga alitan, hidwaan, paninibugho, mga silakbo ng galit, mga pagtatalo, mga pagkakabaha-bahagi, mga sekta, mga inggitan, mga paglalasingan, mga walang-taros na pagsasaya, at mga bagay na tulad ng mga ito. Tungkol sa mga bagay na ito ay patiuna ko kayong binababalaan, kung paanong patiuna ko kayong binabalaan, na yaong mga nagsasagawa ng gayong mga bagay ay hindi magmamana ng kaharian ng Diyos.” (Galacia 5:19-21) Ang sigarilyo ay tunay na marumi. Kaya naman gaya ng idinidiin sa teksto, ‘hindi magmamana nKaharian ng Diyos’ ang nagpapasok ng anumang maruming bagay sa kaniyang katawan. Dahilan din iyan kung bakit tayo ‘binababalaan’.

Saan naman dyan na kahalayan ang manigarilyo? Alin ang karumihang binabanggit? Basahin pong muli natin kung ano ang pakahulugan ni aposto Pabl dyan sa binabanggit niyang “mga karumihan”?
Basa:

““At magsilakad kayo sa pagibig, gaya rin naman ng pagibig ni Cristo sa inyo, at ibinigay dahil sa atin ang kaniyang sarili, na hain at handog sa Dios upang maging samyo ng masarap na amoy.   Nguni't ang pakikiapid, at ang lahat ng karumihan, o kasakiman, ay huwag man lamang masambit sa inyo, gaya ng nararapat sa mga banal; O ang karumihan man, o mga mangmang na pananalita, o ang mga pagbibiro, na di nangararapat: kundi kayo'y magpasalamat.   Sapagka't talastas ninyong lubos, na sinomang mapakiapid, o mahalay, o masakim, na isang mapagsamba sa mga diosdiosan, ay walang anomang mamanahin sa kaharian ni Cristo at ng Dios.” (Efeso 5:2-5)


8. “Ang pakikiapid at bawat uri ng karumihan o kasakiman ay huwag man lamang mabanggit sa gitna ninyo, gaya ng angkop sa mga taong banal; Sapagkat alam ninyo ito, natatalos ninyo mismo, na walang sinumang mapakiapid o taong marumi o taong sakim—na nangangahulugan ng pagiging isang mananamba sa idolo—ang may anumang mana sa kaharian ng Kristo at ng Diyos.” (Efeso 5:3, 5) ‘Bawat uri ng karumihan’… kasama na diyan ang sigarilyo at tabako.


Muli po, haka-haka na naman niya ang mga pahayag niyang iyan dahil nowhere in the verse you could read sigarilyo at tabako, iyan po ay ang mga binanggit na sa itaas na mga “karumihan” ito ay ang mga ito…” Sapagka't talastas ninyong lubos, na sinomang mapakiapid, o mahalay, o masakim, na isang mapagsamba sa mga diosdiosan,” ito po ang karumihan na tinutukoy ni apostol Pablo. Wag po kayong padaya sa kanila!



9. “Kaya alisin ninyo ang lahat ng karumihan at ang kalabisang bagay na iyon, ang kasamaan, at tanggapin nang may kahinahunan ang pagkikintal ng salita na may kakayahang magligtas ng inyong mga kaluluwa.” (Santiago 1:21) ‘Lahat ng karumihan’… kasama na diyan ang sigarilyo at tabako.



Iyan po ay haka-haka lamang ng nagsasabing bawal ng biblia ang paninigarilyo per se!
Sapagkat nilinaw nan g biblia kung ano itong mga karumihan na ito, basa:


.   Nguni't ang pakikiapid, at ang lahat ng karumihan, o kasakiman, ay huwag man lamang masambit sa inyo, gaya ng nararapat sa mga banal; O ang karumihan man, o mga mangmang na pananalita, o ang mga pagbibiro, na di nangararapat: kundi kayo'y magpasalamat.   Sapagka't talastas ninyong lubos, na sinomang mapakiapid, o mahalay, o masakim, na isang mapagsamba sa mga diosdiosan, ay walang anomang mamanahin sa kaharian ni Cristo at ng Dios.”



10. Patayin ninyo, kung gayon, ang mga sangkap ng inyong katawan na nasa ibabaw ng lupa may kinalaman sa pakikiapid, karumihan, pita sa sekso, nakasasakit na pagnanasa, at kaimbutan, na siyang idolatriya. Dahil sa mga bagay na iyon ay dumarating ang poot ng Diyos. Sa mismong mga bagay na iyon ay minsan na rin kayong lumakad noong nabubuhay kayo sa mga iyon. Ngunit ngayon ay alisin nga ninyo ang lahat ng mga iyon sa inyo, poot, galit, kasamaan, mapang-abusong pananalita, at malaswang pananalita mula sa inyong bibig. Huwag kayong magsisinungaling sa isa’t isa. Hubarin ninyo ang lumang personalidad pati na ang mga gawain nito, Colosas 3:5-9) 

Muli po hindi yan tumutukoy sa paninigarilyo, iyan po ay tumutukoy sa espitwal na karumihan.

Ipagpatuloy po natin ang pagsuri sa kanilang paninindigan:
"Upang manatili sa pag-ibig ng Diyos, kailangan nating manatiling malinis hindi lamang sa isa o dalawang aspekto, kundi sa lahat ng aspekto. Maaaring mahirap itigil at iwasan ang maruruming gawain, pero posible ito. Sa katunayan, ito ang pinakamahusay na paraan ng pamumuhay, yamang laging itinuturo ni Jehova kung ano ang makabubuti para sa atin. (Isaias 48:17) Higit sa lahat, kung mananatili tayong malinis, magiging maligaya tayo dahil batid natin na nakapagdudulot tayo ng karangalan sa Diyos na ating iniibig, at sa gayong paraan ay makapananatili tayo sa kaniyang pag-ibig. 


Muli po, bagamat sang-ayon ako na linisin sa anumang karumihan ang  ating pagkatao, na ang tinutukoy ay ang mga kasalanan na nagpapadumi sa ating katawang espitwal, at hindi magmamana ng kahari-an ng langit. Ang talata pong iyan ay hindi tungkol sa paninigarilyo na literal na nagpapadumi ng  ating katawan katulad din ng malabis na pagkain ng mga nakakatabang pagkain, pagkain ng matatamis, pagkain ng sobrang kanin, tandaan po natin anumang labis ay masama sa katawan. Ganyan din ang paninigarilyo.

Marami pa po silang palusot, katulad ng hindi lang daw ang nakakasira sa katawan kundi ang nikotina na matatagpuan sa sigarilyo. Tutol po ba ako dito? Hindi po! Katulad nga po ng sinabi ko anumang labis ay nakakasama, ganyan din sa nikotina. Wala po bang positive effect ang nikotina? Talaga bang nakakasira lang ito ng katawan kahit na konti lang ang pumasok sa katawan ng tao?  Tunghayan po natin ang sinasabi ng mga eksperto dito:

In 2006, Duke scientists found that people with depression who were treated with nicotine patches reported a decrease in their depressive feelings. The results were perhaps not surprising for a drug associated with imparting a "buzz." However, the research also showed a direct link between nicotine and an increase in the release of dopamine and serotonin, two vital neurotransmitters. A lack of dopamine or serotonin is a common cause of depression.
These studies point to potentially positive aspects of nicotine, but what can we do with this information? Surely people shouldn't start smoking for their health. Read on to find out about drug research associated with nicotine.” Source: http://health.howstuffworks.com/wellness/drugs-alcohol/nicotine-health-benefits.htm

Patuloy pa po ang pag-aaral ng mga dalubhasa dyan. Kaya hindi pa rin ini-encourage ang paninigarilyo, pinaiiwasan pa din para sa inyong mga kalusugan.


Nabuking po natin ang panloloko ng mga JW sa pangunguna ng isang nagpapakilalang Spongklong Carbonel atLemuel Condes, sa pagsitas ng Isaias 1:16 para ipakita na madumi daw sa katawan ang sigarilyo, bagamat hindi po ako tutol na nakakadumi sa katawan ang sigarilyo kung paanong nakakadumi din ang mga ito usok ng sasakyan, sobrang pagkain ng taba, sobrang pagkain ng matatamis, at iba pang kung sobra ay masama talaga. Iyan po ay kung literal ang pag-uusapan. Pero po itong ginamit nilang talata, hindi po literal na dumi sa katawan ito. Heto po ang talata na binaluktot nila:

" Mangaghugas kayo, mangaglinis kayo; alisin ninyo ang kasamaan ng inyong mga gawa sa harap ng aking mga mata; mangaglikat kayo ng paggawa ng kasamaan:"(Isa.1:16)

Nakita na po ninyo? ang ibig sabihin ng dumi sa katawan ay ang mga kasalanan na bunga ng kamaan ng tao. Ituloy po natin ang sinjasabi ng kasunod na talata....


" Mangatuto kayong magsigawa ng mabuti; inyong hanapin ang kahatulan, inyong saklolohan ang napipighati, inyong hatulan ang ulila, ipagsanggalang ninyo ang babaing bao. Magsiparito kayo ngayon, at tayo'y magkatuwiranan, sabi ng Panginoon: bagaman ang inyong mga kasalanan ay maging tila mapula, ay magiging mapuputi na parang niebe; bagaman maging mapulang gaya ng matingkad na pula, ay magiging parang balahibo ng bagong paligong tupa, Kung kayo'y magkusa at mangagmasunurin, kayo'y magsisikain ng buti ng lupain:" (Isa.1:17-19) 



Kaya ano po ang payo ni apostol Pablo sa bagong tipan?



"Yamang taglay natin ang mga pangakong ito, mga minamahal, ay magsipaglinis tayo sa lahat ng karumihan ng laman at ng espiritu, na pakasakdalin ang kabanalan sa takot sa Dios." (II Cor.7:1)


.   Nguni't ang pakikiapid, at ang lahat ng karumihan, o kasakiman, ay huwag man lamang masambit sa inyo, gaya ng nararapat sa mga banal; O ang karumihan man, o mga mangmang na pananalita, o ang mga pagbibiro, na di nangararapat: kundi kayo'y magpasalamat.   Sapagka't talastas ninyong lubos, na sinomang mapakiapid, o mahalay, o masakim, na isang mapagsamba sa mga diosdiosan, ay walang anomang mamanahin sa kaharian ni Cristo at ng Dios.”(Efeso 5:3-5)
At hayag ang mga gawa ng laman, sa makatuwid ay ang mga ito: pakikiapid, karumihan, kalibugan,  Pagsamba sa diosdiosan, pangkukulam, mga pagtataniman, mga pagtatalo, mga paninibugho, mga pagkakaalitan, mga pagkakampikampi, mga pagkakabahabahagi, mga hidwang pananampalataya,  Mga kapanaghilian, mga paglalasing, mga kalayawan, at ang mga katulad nito; tungkol sa mga bagay na ito ay aking ipinagpapaunang ipaalaala sa inyo, tulad sa aking pagpapaalaala nang una sa inyo, na ang mga nagsisigawa ng gayong mga bagay ay hindi magsisipagmana ng kaharian ng Dios.” (Galacia 5:19-20)



Iyan po ang tinutukoy na karumihan ng biblia hindi ang karumihan na gustong ipinta ng mga Saksi ni Jehovah at ADD. Nowhere in the bible you could read cigarette is unchristian, hindi po yan kalayawan kasi ang sigarilyo ay may gamit din ito na positibo sa tao wag lang sobra.

Ayon sa site na ito:

However, cigarette smoking has been confirmed to provide numerous benefits to the health of smokers. Surprisingly, the tobacco plant appears to have more to offer our bodies than a guarantee of certain death. Although the health benefits of smoking are far outweighed by the many very dire risks, tobacco may provide alternative relief or prevention for some diseases in certain individuals. 

The most fascinating and widely recognized health benefit of smoking is its ability to seemingly alleviate symptoms of mental illnesses, including anxiety and schizophrenia. According to an article published in 1995 in Neuroscience & Biobehavioral Reviews, schizophrenics have much higher smoking rates than people with other mental illnesses, and appear to use it as a method of self-medicating. The article postulates that nicotine found in cigarettes reduces psychiatric, cognitive, sensory, and physical effects of schizophrenia, and also provides relief of common side effects from antipsychotic drugs.” Source: http://www.sott.net/article/221013-Health-Benefits-of-Smoking-Tobacco


Huwag po ninyong ipagkamali na ipinopromote ko ang paninigarilyo, ipinapakita ko lang na may positibo din itong epekto wag lang sobra. Kaya nga ang bawat pamahalaan ay hindi nagbawal sa paninigarilyo ang kanilang ginagawa lamang ay magbigay babala, sa mga maninigarilyo. Ano ang warning na ito? “SMOKING IS DANGEROUS TO YOUR HEALTH”

Tandaan po natin, sa Iglesia ni Cristo ay mahigpit na PINAIIWASAN ANG PANINIGARILYO DAHIL NAKAKASAMA SA KALUSUGAN!
Paano kang makapangangasiwa sa kawan ng Dios kung ikaw ay may sakit?

Sabi nga po sa Gawa 20:28 ay ganito:


“ Ingatan ninyo kung gayon ang inyong mga sarili na rito’y hinirang kayo na mga katiwala, upang pakanin ang IGLESIA NI CRISTO na binili Niya ng Kanyang dugo”

“Ingatan ang mga sarili” kaya umiwas sa paninigarilyo!

Monday, 8 July 2013

At mangyayari na ang sinomang tumawag sa pangalan ng Panginoon, ay maliligtas.” (Gawa 2:21)

Ang talatang ito ay malimit gamitin ng mga kaibayo para suportahan ang kanilang aral na sinumang tumawag sa Panginoon, ay maliligtas. Ang talata po ay tama, wala po kaming tutol dyan, san po kami tumututol? Sa maling unawa po ng mga gumagamit nito. Pinakakadiinan nila ang banggit na “sinuman” na hindi inunawa kung para kanino patungkol ang talata.  Ginagamit nila ang talata para patunayan na sapat na daw ang sumampalataya sa Pangalan ng Panginoon,at ligtas kana. Hindi nila alam na ang kanilang paniniwalang iyan ay komokontra o sumasalungat sa sinabi mismo ng Panginoon sa Mateo 7:21 na ganito ang  ating mababasa:

“Hindi ang bawa't nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit.”


Ang kanilang maling unawa sa Gawa 2:21 na sapat na ang tumawag sa Pangalan ng Panginoon ay maliligtas na, ay sumasalungat sa sinabi mismong ito ng  ating Panginoong Jesus. Kaya po sino an gating paniniwalaan? Syempre po ang Tagapagligtas, ang Panginoong Jesus.


Ayon pa nga sa pahayag ng apostol na si Juan para mapakinggan ka ng Dios kailangan sumusunod ka sa mga utos nito, na ganito na ating mababasa sa I Juan 3:22, ating tunghayan:

“At anomang ating hingin ay tinatanggap natin sa kaniya, sapagka't tinutupad natin ang kaniyang mga utos at ginagawa natin ang mga bagay na kalugodlugod sa kaniyang paningin.”


Ano daw po? Siyang tumutupad sa mga  utos Niya ay siguradong pakikinggan at hindi lang sa basta pagtawag sa Pangalan ng Panginoon.  Ang isa po sa  utos ng Dios ay ang tao ay makinig sa Kanyang Anak. Ito po ay mababasa natin sa Mateo 17:5 din, atin pong tunghayang muli:

“Samantalang nagsasalita pa siya, narito, ang isang maningning na alapaap ay lumilim sa kanila: at narito, ang isang tinig na mula sa alapaap, na nagsasabi, Ito ang sinisinta kong Anak, na siya kong kinalulugdan; siya ang inyong pakinggan.”

Ang tao ay kailangang makinig sa  utos ni Jesus, at sa Kanyang pa-anyaya na may kauganayan sa kaligtasan at ito ay ang pagpasok sa Kanya.(Juan 10:9). Pero ang isang tao ay hindi basta-basta makapapasok sa katawan ni Cristo sa pamamagitan lang ng pananampalataya lamang o kaya naman basta manalangin lamang sa Pangalan ng Panginoon. Kaya nga ayon sa Kanya:

“Muli ngang sinabi sa kanila ni Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ako ang pintuan ng mga tupa.”

Inulit Niya ang paanyaya Niya sa Juan 10:7 na ating mababasa sa itaas.
Ang mga tao ay kailangang pumasok sa pintuan na si Cristo, para ang tao ay mapabilang sa kawan(Juan 10:16) o Iglesia ni Cristo (Gawa 20:28 Lamsa) Ang Iglesia ni Cristo nga po ay kailangan sa kaligtasan.


Ang isa pa pong ginagamit na talata ng mga nagtataguyod ng aral na “sinumang tumawag sa Pangalan ng Panginoon” ay maliligtas ay ang nasa Roma 10:13 na may ganitong mababasa:

“Sapagka't, Ang lahat na nagsisitawag sa pangalan ng Panginoon ay mangaliligtas.”

Ang talatang ito ay ginagamit nila upang ipakita na hindi na kailangan ang Iglesia para maligtas.  Pero, subalit at datapuwat, sino po ang tinutukoy  sa talata na mga taong “tumawag lamang sa Pangalan ng Panginoon”? Sa Roma din, sa kapitulo 10 pa din at ang talata ay 14 at 15, ganito po ang  ating matutunghayan:

“Paano nga silang magsisitawag doon sa hindi nila sinampalatayanan? at paano silang magsisisampalataya sa kaniya na hindi nila napakinggan? at paano silang mangakikinig na walang tagapangaral? At paano silang magsisipangaral, kung hindi sila nga sinugo? gaya nga ng nasusulat, Anong pagkaganda ng mga paa niyaong mga nagdadala ng masasayang balita ng mga bagay na mabuti!”

Ang mga taong tumatawag sa Pangalan ng Panginoon na tinutukoy ay yaong mga sumampalataya sa ebanghelyo na ipinangaral ng tunay na sugo ng Dios. Ang mga taong ito ay ang mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo.
Kaya hindi basta pagtawag lang sa Pangalan ng Panginoon ay maliligtas na, kailangan may personal na kaugnayan ito sa Kanya. Kailangan ikaw ay nasa tunay na Iglesia Ni Cristo at hindi sa kung saan-saan lang na Iglesia na nag-aangkin ding Kristyano.


Thursday, 23 May 2013

ANG DAPAT TANDAAN NG MAG-ASAWA

Ang kinahahantungan ng maraming mag-asawa: PaghihiwalayPayag ba ang Diyos sa paghihiwalay? May mga relihiyon na pinapayagan ang paghihiwalay ng mga mag-asawa. Ang tanong: 
Pwede ba makipaghiwalay o Hindi?

 Sinisipi nila ang Mateo 19:9 para i-justify ang paghihiwalay

 sa Mateo 19:9 sinasabi ang ganito:

At sinasabi ko sa inyo, Sinomang ihiwalay ang kaniyang asawang babae, liban na kung sa pakikiapid, .

Pero dapat maisip nila na may karugtong pa yan na ganito:

....... , at magasawa sa iba, ay nagkakasala ng pangangalunya: at ang magasawa sa babaing yaon na hiniwalayan ay nagkakasala ng pangangalunya.

Hindi Lang yan dapat din tandaan ang sinabi ni Cristo sa sinundang talata ng 9, ang nasa 7 at 8 ganito ang ating mababasa:

" Sinabi nila sa kaniya, Bakit nga ipinagutos ni Moises na magbigay ng kasulatan sa paghihiwalay, at ihiwalay ang babae?
Sinabi niya sa kanila, Dahil sa katigasan ng inyong puso ay ipinaubaya sa inyo ni Moises na inyong hiwalayan ang inyong mga asawa: datapuwa't buhat sa pasimula ay hindi gayon."

Ano ba yang sa pasimula ay Hindi GAYON?

Sa 4 hanggang 6 basahin natin:

" At siya'y sumagot at sinabi, Hindi baga ninyo nabasa, na ang lumalang sa kanila buhat sa pasimula, ay sila'y nilalang niya na lalake at babae, At sinabi, Dahil dito'y iiwan ng lalake ang kaniyang ama at ina, at makikisama sa kaniyang asawa; at ang dalawa ay magiging isang laman? Kaya nga hindi na sila dalawa, kundi isang laman. Ang pinapagsama nga ng Dios, ay huwag papaghiwalayin ng tao."

Hayan Hindi pwede paghiwalayin ng tao ang pinagsama ng Dios. Kaya ipinaubaya ni Moises na humiwalay ang asawa dahil sa katigasan ng ulo! Pero ano ang Sabi ni Cristo?

........ datapuwa't buhat sa pasimula ay hindi gayon. (Mateo19:8 AB)

Kaya nga ano pa ang tagubilin no Apostol Pablo?

" Ito naman ang iniuutos sa mga may asawa, hindi mula sa akin kundi mula sa Panginoon: huwag makipaghiwalay ang babae sa kanyang asawa. Ngunit kung siya’y hihiwalay, manatili siyang walang asawa, o kaya’y muling makipagkasundo sa kanyang asawa. At huwag rin namang palalayasin at hihiwalayan ng lalaki ang kanyang asawa.( 1Corinto 7: 10-11)

Bakit wag hihiwalay?

Ang pinapagsama nga ng Dios, ay huwag papaghiwalayin ng tao. At sa bahay ay muling tinanong siya ng mga alagad tungkol sa bagay na ito. At sinabi niya sa kanila, Ang sinomang lalake na ihiwalay ang kaniyang asawa, at magasawa sa iba, ay nagkakasala ng pangangalunya laban sa unang asawa: At kung ihiwalay ng babae ang kaniyang asawa, at magasawa sa iba, ay nagkakasala siya ng pangangalunya. (Marcos 10:9-12 AB)

Maliwanag na sinusunod ng  ibang sekta Si Moises kesa sa batas ng Dios na " wag pa- paghiwalayin ng tao" ang pinagsama ng Dios. Kami sa Iglesia ni Cristo, sumusunod kami sa utos na Ito. Habang buhay ang asawa, Hindi pwedeng humiwalay at mag asawang muli sa iba.

Tandaan ng bawat mag-asawa, para maiwasan ang mga sigalot:

1. LAGING TANDAAN NA KAYO AY REGALO NG DIOS PARA SA ISA’T ISA(Kawikaan 19:14)
Remembering that your spouse is a gift from God is a healthy thing to do. It will somehow help you avoid thinking that your spouse is just a chance; worst, a mistake. Totoo naman talaga na ang asawa ay regalo ng Dios. Ang asawa ay hindi lang napulot kung saan. Ang asawa ay hindi galing sa impakto. Lalong hindi siya hulog ng impiyerno. Ang asawa ay regalo ng Dios. Laging tandaan na ang mga regalo ng Dios ay mabuti. Ang asawa mo ay isa sa mga mabubuting regalo ng Dios sa iyo.

2. IPAKITA AT IPADAMA ANG PAG-IBIG SA PARAAN GUSTO NIYA.
May mga mag-asawang nagsabing: “Hindi ko ,maramdamang mahal ako ng aking asawa.”
Ang dahilan- hindi siya minamahal sa paraang gusto niya. Baka naman kasi hindi sinasabi sa asawa kung paano niya gustong mahalin. Hindi masama at lalong hindi nakakahiya na sabihin sa iyong asawa kung paano mo ibig mahalin. Malaking tulong din kung tatanungin mo ang iyong asawa kung paano niya gustong mahalin. Lalo kang mamahalin ng asawa mo kung mamahalin mo siya sa paraang gusto niya.

3. SA ARI-ARIAN AT PERA HUWAG MAG KANYA-KANYA
Sa mag-asawa, ang ari-arian ng isa ay ari-arian ng dalawa. Walang “akin, akin.” Walang “sa’yo, sa’yo”. Lahat “atin ito.” Ang perang kinita ng isa ay pera ng mag-asawa.
If in marriage the man and the woman were one flesh, then what is owned by one is owned by the other. Kaya huwag nang magtaguan pa. Ilabas na ang perang pinaakaka-ipit- ipit sa pitaka.

4. SHOWER EACH OTHER WITH LOVE.
Diligin ninyo ng pag-ibig ang isa’t-isa para sumagana ang pagsasama. Ang maayos at matatag na pagsasama ng mag-asawa ay hindi nagaganap nang basta basta ito ay parang halaman na inaalagaan at dindiligan. Pag-ibig ang ipandilig, hindi masamang hinala, paninira, o pangungutya.

5. SHOW CONCERN ON THE INTERESTS OF YOUR SPOUSE.
Huwag lang himukin ang asawa na magpakita ng concern sa kung anung interests mayroon ka. Magkusa ka rin naman magpakita ng concern sa interests ng iyong asawa. Suportahan mo siya. Alamin ang paboritong sports ng iyong asawa at makipaglaro kung kaya mo rin lang. Makipag-usap sa asawa tungkol sa mga paksang gusto niya. Samahan ang asawa kung gusto niyang isama sa panood ng mga pelikulang gusto niya. Malaking tulong sa masayang pagsasama ang maging concern sa interests ng isat-isa
6. BE GENTLE AND TACTFUL IN CORRECTING AN ERROR COMMITTED BY YOUR SPOUSE
Walang asawang perfect. Lahat nagkakamali. If you need to correct an error committed by your spouse, be specific. Attack an error committed by your spouse not his “being”. Approach your spouse gently and tactfully. Kung hindi ka magiging maingat at matalino sa pagtutuwid sa pagkakamali ng iyong asawa, ang pagtutuwid mo ay magiging sanhi pa ng lalong ikagugulo ng inyong pagsasama. Dapat lang na ituwid ang pag kakamali o kasalanan ng asawa. But make sure to do it intelligently, tactfully, and cautiously. Remember: In making corrections, don’t forget to offer solutions.



7. MAGING CREATIVE SA PAGPAPAKITA AT PAGPAPADAMA NG PAG-IBIG
Ang pagiging creative sa pagpapadama ng pag-ibig ay napakalaking tulong sa pagpapanatili ng init ng pagsasama ng mag-asawa. Kung nag-iisip para maging creative, may thrill, may excitement! Therefore hindi boring. Nakasasawa kung paulit-ulit lang. paminsan-minsan dapat mayrong konting pagbabago sa pagpapahayag at pagpappadam ng pag-ibig.
Halimbawa: Kung lagi mo lang sinasabi sa asawa mo “ I love you, “ ngayon isulat mo sa magandang papel at ilagay mo sa magandang frame. O di ba creative?Kung laging papel at ballpen ang ginagamit mo to say “ I love you” to your spouse, ngayon kung kaya mong magrent ng jet plane ipasulat mo sa ulap sa pamamagitan ng usok ang “ Ilove you” addressed to your spouse. From paper and pen. To sky and usok. Wow! Di ba creative? Maging creative, OK!

8. MAGING ATTRACTIVE SA IYONG ASAWA.
Maraming asawa ang nahulog sa kandugan ng iba kasi hindi na attractive para sa kanya ang kanyang asawa. Huwag kayong magpabaya sa inyong itsura. Mag-exercise at iwasana ang walang pakundangang pagkain nang sobra para di masira ang inyong pigura. At sikapin na rin na maging mabango para sa asawa. Tanungin din ang asawa kung anong amoy at itsura ang gusto niya. Sundin ang gusto ng asawa para maging attractive sa kanya. I-attract mo ang iyong asawa baka kasi iba pa ang umattract sa kanya. Sige ikaw rin. Baka magsisi ka.


9. SATISFY THE SEXUAL NEEDS OF YOUR SPOUSE
Attend not only to your personal sexual satisfaction but also to the satisfaction of your spouse. Pag hindi mo sinikap na i-satisfy ang iyong asawa baka humanap siya ng ibang mag-sasatisfy sa kanya.

Misis:
a) ihanda ang sarili para sa asawa.
b) Maligo! Magpaganda! Magpabango!
c) Huwag parang patay pag nakikipag “do.”
Mister:
d)Huwag tratuhing sex object ang asawa mo.
e)Be gentle at huwag gawing pang-akrobatik ang misis mo.
f)Magtootbrush ka! Maligo! Magpabango
g)Paano gaganahan ang misis mo kung mabaho ang hininga mo, amoy lansangan ang ulo mo; amoy grasa ang katawan mo. Mahiya ka naman sa misis mo, no!
h)Sikaping huwang maiwang bitin ang misis pag nakikipa “do.”

10. AVOID RETIRING TO BED WITH UNSETTLED ILL FEELING
Ang paminsan-minsang ma-offend ng asawa o maka-offend ng asawa ay bahagi na ng buhay mag-asawa. Kung sakaling ma-offend ka muli ng iyong asawa, huwag mong hayaang makatulog ka ng may sama ng loob sa kanya. Huwag hayaang makatulugan ang galit sa asawa, baka kasi pag pagising mo patay ka na. Pangit mamatay na may kimkim na sama ng loob sa asawa. Kung balak mong bukas ay alisin saiyong dibdib ang samang dulot ng iyong asawa, gawin mo na ngayon baka bukas ay huli na.


11. MANALANGING MAGKASAMA
Sikaping huwag lumipas ang isang araw na hindi kayo nakapanalanging mag-asawa. Manalangin pakagising sa umaga at bago matulog sa gabi. Ang magkasamang pananalangin ay napakalaking tulong hindi lang sa “bonding” ng mag-asawa kundi maging sa pagharap rin nila sa problema. May mga problemang ang hirap lutasin ng “patayo”. Subalit walang problema na hindi malulutas kung ang mag-asawa ay “paluhod” na mananalanging magkasama.
Tandaan: Ang isang buong araw ng mag-asawa ay maaapektuhan ng ilang minutong magkasamang panalangin nila.(1Tess.5:17-19,21-23)

12. KUNG MAGKALAYO DAHIL ABROAD ANG ISA

Parehong magtiis  sa pangangailangan, dahil pinili ninyong dalawa na magkalayo hindi dahil ayaw ninyong magkasama kundi disisyon ninyo yan para sa future ng pamilya at lalo na sa inyong mga anak, o magiging anak pa lang. Hindi pwedeng ikatuwiran ng bawat isa sainyo na nagawa niya ang matukso dahil wala ang kapartner. Kung nasasaktan ang lalake, nasasaktan din ang babae. Gawin mo ang bagay na gusto mong gawin sayo ng asawa, kung gusto mong tapat siya sayo, maging tapat ka din(Lucas 6:31)

13. UMIWAS SA MGA SITWASYON NA MAARING MAGBUNGA NG MASASAMANG HINALA
Para hindi ka mapagbintangan na may ginagawang masama,iwasan ang mga sitwasyong kanina-hinala. Huwag kang magasasama o sasama sa hindi mo asawa sa isang lugar na makukwestiyon ang iyong pagsasama.
Halimbawa: Sa loob ng pribadong sasakyan (dalawa lang kayo sa loob ng kotse);
Sa park ng pang magnobyo o pang mag-asawa; Sa loob ng hotel.
Mahirap paniwalan na ang isang lalake at isang babaeng galing sa loob ng hotel ay nagprayer meeting, nagkwentuhan, nagjack en poy lang. Mag-ingat! Umiwas!


14. RESPECT YOUR SPOUSE’S NEED FOR PRIVACY or INDEPENDENCE.
Natural sa tao na minsan ay gustong mag-isa. Totoo ito maging sa mag-asawa. Recognize your spouse’s need for privacy and honor it. Dapat ring tanggapin ang katotohanang may mga bagay na para lang sa asawa at hindi dapat pakialaman ng kahit sino pa. At mayron din namang mga pagkakataon na may gagawin ang asawa na hindi dapat pakialaman o panghimasukan dahil insulto sa kakayahan pag siya ay pinakialaman. Kahit pa ng asawa niya.

15. TUMUPAD SA PANGAKO
Ang pangako galing sa asawa ay nagdudulot ng saya. Pero higit na ligaya ang madarama kung ang asawa ay tumutupad sa pangako niya. Huwag lang puro pangako. Tumupad ka! Liligaya ang iyong asawa, titibay ang pasasama, kung sa pangako tumutupad ka! POGI points at BEAUTY points ang pagtupad sa pangako sa asawa.

16. PAG NAGALIT, SIKAPING TUMAHIMIK MUNA.
Matalinong pagpapasya ang tumatahimik muna pag nagalit sa asawa. Ang tao pag galit ay may tendensya na makapanakit. Sino mang nasaktan ay may tendensyang manlaban at manakit din naman. Makatutulong na maiwasan ang away at pananakit, kung sa panahong ikaw ay galit, manahimik muna, MANALANGIN at mag-isip-isip.

17. IWASAN ANG PAGSIGAW SA ASAWA LALO SA HARAP NG IBA.
Ang pagsisigaw sa asawa lalo na harap ng iba ay isang tanda ng kakulangan o kawalan ng paggalang sa asawa. Pwera na lang kung bingi ang asawa, hindi tamang sinisigawan siya. Nababastos at namumukhang tanga ang iyong asawa kung sisigawan mo siya lalo sa harap ng iba. Siguro naman ayaw mong nababastos at nagmumukhang tanga ang iyong asawa. Kaya huwag mong sisigawan ang iyong asawa.

18. BE APPRECIATIVE OF YOUR SPOUSE’S TALENTS AND  ABILITIES.
Congratulations sa mga gumagawa nito. At ‘yong hindi gumagawa nito, magbago na kayo! Make your respective spouses happy and be an encouragement to them, help develop your spouse’s talents and abilities. Malaking kagalakan at encouragement sa iyong asawa kung isa ka sa mga taong nag-a-appreciate sa kanya. Marami ang nagtatampo o nagagalit sa asawa dahil hindi ina-appreciate ang kanilang talento at abilidad ng kani-kanilang asawa. Appreciate the talents and abilities of your spouse. But more importantly, appreciate your spouse. DO IT NOW.

19. IWASANG PINTASAN ANG ASAWA.
Hindi madaling tanggapin ang pintas galing sa ibang tao. Lalong mahirap tanggapin kung ang pintas ay galing sa asawa mo. Napakasakit nito lalo pa kung naririnig ng ibang tao. Imbis na pintasan ang asawa mo tulungan na lang siyang magbago. At kung may sasabihin ka sa ibang tao tungkol sa asawa, magagandang bagay na lang ang ikuwento, huwag ang kapintasan niya.

20. TULUNGAN SIYANG HUWAG MAGKASALA.(1Tess.5:23)
Mas madaling makaiiwas sa pagkakasala ang iyong asawa kung tutulungan mo siya. Sa paglaban sa tukso suportahan ang asawa. Laging alalahanin na ang pagbagsak ng asawa ay pagbagsak ng pamilya. Alamin kung ano ang laban ng iyong asawa. Laban mo rin ang laban ng iyong asawa kaya lubos na tulungan siya. Hindi-“BAHALA KA.”  Ang kailangan –“SUPORTAHAN TA KA.”

21. ANG GALIT SA IBA AY HUWAG IBALING SA ASAWA.
Kung sakaling nagalit ka sa ibang tao, halimbawa sa presidente ng kompanyang pinagtatrabahuhan mo, sa boss mo, o sa kanino mang tao na tinitingala mo na hindi mo kayang ipakita ang galit mo, huwag mong ibaling sa iyong asawa ang galit mo. Maging aware ka dito dahil pwedeng mangyari ito nang hindi mo namamalayan. Unconsciously you might transfer your anger with someone else to your spouse. It happens to some.I pray it won’t happen to you.

22. WHEN YOU HAVE OFFENDED YOUR SPOUSE, LEARN TO SHOW YOU ARE SORRY.
Pag na-offend mo ang iyong asawa, kung talagang sorry ka, ipakita mo na totoong sorry ka. When you realized that you have wronged your spouse, don’t just say “I’m sorry.” Show that you you really are sorry. Show it with your face and show it with your action. May mga nagsosorry sa asawa na habang sinasabi ang “I’m sorry” ay nakangisi. Lalo tuloy nabubuwisit ang asawa niya sa kanya. May mga nagsasabing “I’m sorry” sa asawa na wala namang pagbabagong makita sa pakikitungo sa asawa. When you say you’re sorry, mean it. And show that you really are sorry.

23. LET YOUR SPOUSE KNOW YOUR FEELINGS AND THE PREDICAMENT YOU ARE IN.
Tell your spouse not only your thoughts but also your feelings. Letting your spouse know your feelings and the predicament you are in will somehow help your spouse act accordingly. Ewan ko lang kung nakakabasa ng isip ang asawa mo, hindi naman manghuhula ang asawa mo para malaman niya ang iniisip at nararamdaman mo. Sa panahong nanghihina o nagdaramdam ka, magandang sabihin ito sa asawa. Huwag sarilinin ang pagdurusa. Dahil ang mag-asawa dapat magkasama sa hirap at ginhawa. Walang silbi ang asawa kung sa panahon ng pagdurusa ay hindi nakikiisa. Pero mahirap malaman ng iyong asawa ang lagay mo kung hindi mo ito sasabihin sa kanya. Huwag mahiya. Huwag mag-alala. Magsabi ka sa asawa.



24. FORGIVE.
Patawarin mo ang iyong asawa. Kailan? Pag nagkasala! Kahit pa gaano katindi ang kasalanang nagawa sa iyo ng asawa mo, patawarin mo siya para wala kang bigat na dinadala. Ang di-pagpapatawad ay nakasasakit ng ulo. Nakakapangit pa ito! Talo ang di nagpapatawad. Panalo ka kung magpapatawad ka. Ang pagpapanatili ng galit ay nagdudulot ng hinagpis at karaniwang humahantong sa pananakit. May galit ka pa ba sa asawa mo? Patawarin mo na siya.
The earlier you forgive when you get offended by your spouse, is better than best.
Tandaan: Hindi optional ang magpatawad. Ang magpatawad ay utos ng Dios. (Colosas 3:13)

25. AVOID NAGGING

Nakakainis ang asawang nagger. Ayon sa ilang asawa ng nakausap ko:
“Lalo akong nagtatampo pag nina-nag ako ng asawa ko.”
“Gusto kong sungangain ang bibig ng asawa ko
“Nanliliit ako and I feel stupid pag nina-nag ako ng asawa ko.”
Ikaw, ano ang pakiramdam mo pag nina-nag ka ng asawa mo?
Kung may nagawang pagkakamali ang iyong asawa at gusto mong sabihin sa kanya, minsan lang itong sabihin sa kanya. At huwag idagdag pa dito ang mga dati pang mali na nagawa niya. Sa pagsasalita sikaping maging mahinahon, huwag pagalit, hindi nang-iinis o nanlalait.

26. HAVE A SENSE OF HUMOR.
Nakakapangit ang laging nakakunot ang noo. Sa mag-asawa kailangan ang ngiti at tawa. Can you imagine a couple without a sense of humor? Boring di ba? Ang lungkot ng buhay ng mag-asawa pag walang sense of humor. Parang laging may patay. It’s nice to make people happy especially your spouse. Have a sense of humor. Patawanin mo ang iyong asawa. Learn to crack good funny jokes. Dagdag ligaya kung ang asawa ay marunong magpatawa.

27. MANGARAP! MAGTIYAGA! MATALINONG GUMAWA.
Libreng mangarap. Mangarap kayong mag-asawa at magkasamang magplano tungo sa katuparan ng inyong pangarap. Walang challenge ang buhay kung walang pangarap sa buhay ang mag-asawa. Magkaroon kayo ng kaisahan sa inyong pangarap. Mahirap para sa mag-asawa ang walang isang pangarap. Walang tagumpay kung walang pangarap. Pero huwag lang puro pangarap. Baka bangungutin kayo kung puro pangarap lang. Maging masipag, at matiyaga. Magtrabaho nang husto, gumawa, at maging matalino sa paggawa.

28. MORE THAN WINNING THE ARGUMENT, AIM TO WIN YOUR SPOUSE.
Natural sa mag-asawa ang paminsan-minsan ay magkaroon ng argumento. Kung sakaling manyari ito sa inyo, aim on winning your spouse, more than winning the argument against your spouse. Aanhin mo ang manalo sa argumento kung mawawala naman sa’yo ang asawa mo. Sige, isipin mo.

29. MAGING KONTENTO KAYO.
Delikado ang maaaring kahinatnan ng mag-asawang walang kakuntentuhan sa kung ano’ng mayron sila. Gulo ang kasasadlakan. Ano ba ang kailangan para maging kontento ang tao? Ang kasapatan ba ng lahat ng pangangailangan? Kung dito nakabase ang kakuntentuhan walang mag-asawang mauubusan ng pangangailan. Therefore, walang mag-asawang makukuntento. Hindi masama ang maghangad ng karagdagan para sa kinabukasan. Pero maging kuntento muna at magpakaligaya sa kung ano ang mayron kayo ngayon. Baka kasi hindi dumating ang bukas. Pag dumating ang “bukas,” ang “bukas” ay naging “ngaun.” Kaya kung ano mayron kayo, magpakaligaya at maging kuntento. Kung kuntento ka sakaling mamatay ka ngayon, maluwag ang iyong dibdib na ikaw ay papanaw at marahil nakangiti ka pa hanggang kabaong.


30. BE GENTLE.
Gentleness to your spouse can be best exemplified by being considerate of your spouse’s feeling and thoughts. Bago mo gawin ang isang bagay o bago mo sabihin ang gusto mong sabihin isipin mo muna kung ano ang maaring bunga nito sa isip at damdamin ng iyong asawa. Hindi komo’t gusto mo ay gagawin mo na lang basta-basta. I-kunsidera mo naman ang isip at damdamin ng iyong asawa. Sa pagsasalita, sa gawa, maging sa paghipo at paghawak, maging gentle sa asawa.

31. BE PROUD OF YOUR SPOUSE
Ipinagmamalaki mo ba ang iyong asawa? Dapat lang! Proud ka bang nakikita ang itsura ng asawa mo o gusto mong takpan siya ng dyaryo habang ipinakikilala mo siya sa ibang tao? Huwag mong ikahiya ang iyong asawa. Be proud of your spouse. Huwag mong ikahiya ang iyong asawa.

32. IGALANG ANG OPINION NG ASAWA.
Ang lahat ay may karapatang magpahayg ng kanyang sariling opinion. Ito man ay mali o tama. Igalang ang opinion ng asawa. Kahit di ka sumang-ayon sa opinion ng iyong asawa ipakita mong iginagalang mo ito. Ang hindi pagkakapareho ng opinion ng iyong asawa sa iyo ay hindi nangangahuluganng mali siya. Hindi lahat ng naiiba ay mali . Pero kahit pa hindi ka sang-ayon sa opinion ng asawa, dapat pa rin na igalang ang opinion niya. Ang hindi pagsangayon ay hindi nangagngahulugan ng kawalan ng paggalang. Ang mahalaga, igalang ang opinion ng asawa. Tanda kasi ito ng paggalang sa kanya. Igalang ang asawa.

33. HUWAG MAGING “BOSSY”.
Sa mag-asawa walang “amo.” Walang boss. Dapat parehong naglilingkod sa isa’t-isa. The husband being appointed by God as head of the wife is not taken as “Lord over the wife.” Hindi rin naman tama na ang wife ay hindi nagpapasakop sa husband. Huwag mong tratuhing alila ang iyong asawa. Pumarehas ka kahit pa mas malaki ang kinikita mo kumpara sa kanya. Kung uutusan ang asawa don’t forget the magic word-“PLEASE.” At kung wala kang ginagawa at may ginagawa ang iyong asawa, huwag mo na siyang abalahin pa. kung kaya mo rin lang ang gagawin, huwag mo nang iasa pa sa asawa.

34. MAGING MAUNAWAIN.
Kung gusto mong lalo kang mahalin ng iyong asawa ipakita mong inuunawa mo siya. Totoong kailangan mo ang pang-unawa. Pero higit sa hanapin mo sa asawa ang unawain ka, mas unahin mo ang unawain siya. Sa bandang huli ang hinahanap mong pang-unawa galing sa iyong asawa ay ibibigay din niya. Ang pagpapkita ng pang-unawa ay malinaw na ebidensya ng pagmamahal sa asawa.

35. KEEP COMMUNICATION LINES OPEN.
Dapat lang sa mag-asawa na alamin at ipaalam ang kalagayan ng isa’t-isa. This will not happen if the couple will not keep their communication open. Basic indicators of good communication between a husband and wife: Clear transmission of message- be it thoughts or feelings.
Listening- Don’t just butt in. Understanding- seeing from the perspective of the one who speaks.Empathy-feeling with.Maraming problema ang maiiwasan ng mag-asawa kung laging bukas ang komunikasyon nila para sa isa’t-isa.

36. MAGING MAHINAHON SA PAG-UUSAP PAG MAY PROBLEMANG NILUULUTAS.
Walang problemang di malulutas sa mahinahong pag-uusap. Sa totoo lang, maraming problema ang hindi na sana lumala pa kung sa pag-uusap ay naging mahinahon ang mag-asawa. Hindi makakatulong sa paglutas ng problema kung nagsisisihan ang mag-asawa. Magpokus sa solusyon huwag sa pagkakamali o sa problema ng isa’t-isa. Iwasan din ang pangungutya at magtaas na tono pag nagsasalita. Bahagi rin ng pagiging mahinahon ang paggamit ng mga tamang salita.


37. IWASANG ISUMBAT ANG MGA NAKALIPAS NA PAGKAKAMALING NAGAWA NIYA.
May mga taong pag nagalit sa asawa ay binabalik-balikan ang matagal ng pagkakamaling nagawa ng asawa. At pauli-ulit na isinusumbat ito sa kanya. Pag ganito ng ganito, sisikip ang mundo ng iyong asawa at baka marapatin pang iwan ka niya. Ang kasalanang pinagsisisihan na ay hindi na dapat isumbat pa. pag may bagong nagawang pagkakamali ang iyong asawa, huwag mong isama iyong mga luma na. walang kahihinatnang maganda ang isumbat sa asawa ang pagkakamaling lipas na.

38. IWASANG GAWIN ANG ANO MANG BAGAY NA ALAM MONG IGAGALIT NIYA.
May mga asawa na talagang nananadya. Tahasang ginagawa ang mga bagay na alam na ikagagalit ng kanyang asawa. HUWAG GUMAYA SA KANILA. Yon naman eh… kung ayaw mong masira ang pamilya. Hindi lang asawa ang masamang epekto pagtahasang ginagawa mo ang alam mong nakasasakit sa iyong asawa. Maaaring gantihan ka ng iyong asawa at pati ang anak mo, maaaring gayahin ka at tahasan ring saktan ka. Huwag gawin sa asawa ang mga bagay na ayaw mong sa iyo ay gawin niya.

39. SA PANAHONG NANGHIHINA ANG LOOB NG ASAWA, MAGING SOURCE OF ENCOURAGEMENT PARA SA KANYA.
May mga panahon maaaring manghina ang iyong asawa gawa ng kinakaharap na problema. Maging katuwang ka sa pagresolba ng problema at huwag na maging pabigat pa. Kung kailangang magsakripisyo para makatulong-magsakri pisyo! Kung kailangang tumahimik para makatulong- manahimik! Gawin mo ang magagawa mo para matulungang malutas ang problema ng asawa. Be a source of encouragement .

40. IWASAN ANG PAKIKIALAM SA MGA BAGAY NA INAARING PERSONAL NG IYONG ASAWA.
Personal letters, text messages, bag at pitaka, at iba pang mga bagay na inaaring personal ng iyong asawa, huwag mong basta-basta babasahin, kakalkalin, at pakikialaman.

41. MAGTIWALA
Ang pagpapakita ng pagtitiwala sa asawa ay malaking tulong tungo sa magandang pagsasama. Kung noon ay niloloko ka ng iyong asawa ang magtiwala sa kanya ay maaring maging tulong tungo sa pagbabago niya. Para sa isang naglolokong asawa hindi madaling gawin ang magbago lalo kung walang tulong na manggagaling sa kanyang asawa. Kung sakaling sa kabila ng ipinakita mong pagtitiwala sa iyong asawa ay niloko ka pa rin niya, alalahanin mong sa iyo ay walang nawala. Sa iyong asawa ay marami ang nawala. Sa pagtitiwala, walang nawawala. Sa manloloko, marami ang nawawala.

42. MAGING BEST FRIEND KA NG ASAWA MO.
“Itinuturing ka bang kaibigan ng iyong asawa?
Sagot pls.________ _________ ______
Sa hanay ng mga kaibigan ng iyong asawa, “Ikaw ba ay kinikilala ng iyong asawa ng kanyang matalik na kaibigan?”
Sagot pls.________ _________ _________
“Asawa mo, best friend ka ba?”
sagot pls.________ _________ _________ _
Dapat matalik na kaibigan ka ng iyong asawa.
Mas dapat…PINAKAMATALIK.

43. HUWAG GAWING KATATAWANAN ANG KAMALIAN, KAKULANGAN, AT KAIBAHAN NG IYONG ASAWA.
Lahat ay nakakamali, lahat ay nagkukulang. Lahat ay may kaibahan. Walang taong matutuwa pag pinagtatawanan ang kanyang kakulangan, kamalian, o kaibahan. Tahasang pangungutya sa asawa ang pagtawanan ang kaibahan o pagkakamali niya. Hindi tama na ginagawang biro ang pagkukulang, o mga bagay na hindi pangkaraniwan sa asawa.
Gaya ng:
Kuntil sa tenga,
Putol na daliri o sobra sa sampu ang daliri,
Ilong na parang tapon,
Kulay ng balat,
Butas ng ilong na mukhang garapon,
At iba pa.
Huwag pagtawanan ang kamalian, kaibahan at kahinaan ng asawa. Iwasang pagtawanan ang asawa. Baka gulpihin ka o kaya baka mawalan ka ng asawa.

44.LAGING SENTRO NG INYONG BUHAY ANG DIOS.(1Tess.5:16-18;Jeremias 19:12-13)
Sa pagsasama ng mag-asawa ang pagiging maka-Dios ang pinakamahalaga. Ang pagiging maka-Dios ang siyang magdadala sa mag-asawa sa isang matibay na pagsasama at totoong pagkakaisa. Natural sa mag-asawa ang datnan ng iba’t-ibang problema. Pagka maka-Dios ang mag-asawa mananatiling matatag ang kanilang pagsasama kahit gaano katindi ang problemang kinakaharap nila. Ang ikinatatag ng ugnayan ng mag-asawa ay hindi nakadepende sa dami ng pera o sariling kakayahan ng mag-asawa. Ang ikinatatatag ng relasyon ng mag-asawa ay nakadepende sa Dios na siyang pundasyon ng pagsasama. Sa panahong tahimik o may kaguluhan, panahong tag-init o tag-ulan, maging maka-Dios ka at ang iyong asawa.


45. BE ATTENTIVE PAG MAY SINASABI SIYA SA IYO.
Di ba pag kinakausap mo ang iyong asawa gusto mo nakikinig siya? Gusto rin ng asawa mo na pakinggan mo siya pag kinakausap ka niya. Di ba ayaw mo na may ginagawang kung anu-ano ang iyong asawa pag kinakausap mo siya? O di ganon din ang gawin mo. Huwag kang gumagawa ng kung anu-ano pag kinausap ka ng asawa mo. May mag-asawang mukhang magkausap silang dalawa. Mukha lang pala. Dahil ang kausap nila ay sari-sarili pala at hindi ang isa’t-isa. Nakakabanas! Di ba? Babala: Huwag silang tularan.

46. IPAKITA AT IPADAMA NA MAHALAGA ANG IYONG ASAWA.
Sarap ng pakiramdam kung feeling important ka di ba? Ang asawang nakadama na siya ay di mahalaga sa kanyang asawa ay nag-mumukhang aba, nahahabag sa sarili, at nagiging madrama. Ipakita at ipadama na mahalaga sa iyo ang iyong asawa. Masarap kasama ang taong sa iyo ay nagpapahalaga. marami ng mag-asawa ang naghiwalay dahil sa kawalan ng pagpapahalaga sa isa’t-isa. Ipakita at ipadama na mahalaga sa iyo ang iyong asawa.

47. IIWAS SA SELOS ANG ASAWA.
Maraming mag-asawa ang nag-away at nasira ang buhay dahil sa selos. Marami ang nasiraan ng bait, pumatay at napatay dala ng matinding pagseselos. Natural na magselos kung kaselos-selos. magtaka ka kung may dapat pagselosan sa’yo ang iyong asawa tapos hindi siya nagseselos. Ang pinakamaganda, iiwas sa selos ng asawa. Kung sakaling hindi sinasadya may nagawa ka o kaya may nagawa ang iba na napansin mong ipinagseselos sa iyo ng iyong asawa, ayusin agad. Huwag patagalin pa. linawin ito at sikaping huwag maulit pa.
Tandaan: Ang selos ay parang lason. Naninira, nakamamatay.

48. HUWAG SABAT NANG SABAT KUNG ASAWA MO ANG KAUSAP NG IBA.
May mga asawang sabat ng sabat kahit hindi siya ang kinakausap.Turn off ka ba sa asawang sabat ng sabat? Correct ka diyan! Nakakaturn-off talaga ang asawang sabat nang sabat kahit hindi kinakausap. Kaya ikaw, iwasan ang pagsasabat-sabat kung asawa mo ang kausap. Kahanga-hanga ang asawang di palasabat.

49. MAGSAMA AT MAGKAISA SA PAGGAWA NG DESISYON.( 1Cor.1:10)
Sa paggawa ng desisyon dapat lang na magkasama at nakakaisa ang mag-asawa. Sa mag-asawa, hindi tamang isa lang ang gagawa ng desisyon lalo pa kung maselan o major decision ang gagawin. Kagaya ng:
Paglipat ng bahay,
Pagbili at pagbebenta ng ari-arian,
Pagdisiplina sa mga anak,
At iba pa.
Bago gumawa ng desisyon dapat lang na ang mag-asawa ay nag-uusap muna at nananalanging magkasama. Daan ito tungo sa pagkakaisa.

50. HUWAG KALIMUTAN ANG MGA ARAW NA PINAHAHALAGAHAN NG IYONG ASAWA.
Hindi dapat makalimutan ang mga araw na pinahahalagahan ng iyong asawa lalo na ang birthday at wedding anniversary. Give your spouse a special greetings on special occasions. Better still, give your spouse a treat on special occasions. Gawin mo ito sa asawa mo. Sigurado ako, LOVE points ang bunga nito.
Remember: Don’t forget!

51. BE RESOLVED TO LIVE WITH YOUR SPOUSE ALL YOUR LIFE.
Ang relasyon ng mag-asawa ay panghabambuhay. May kasabihan: “Ang pag-aasawa ay hindi parang kaning isusubo at iluluwa pag napaso.” In solving marital problems, lot of solutions can be considered as the options. God hates divorce. God intends marriage to be for life. Maraming mag-asawa ang naghiwalay na. Marami na sila. Hindi na kayo dapat dumagdag pa. Magsama kayong mag-asawa sa lungkot at ligaya, sa hirap o ginhawa, meron o walang pera, hanggang may hininga. Remember: What God has joins together, Let no man separate.(Mat.19:6)


52. THE REASON TO ALL OF THESE

Namumuhi ang Dios sa diborsyo…..

”  Sapagka't aking kinapopootan ang paghihiwalay, sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, at siya na nagtatakip ng kaniyang damit na may karahasan, sabi ng Panginoon ng mga hukbo: kaya't ingatan ninyo ang inyong kalooban na huwag kayong magsalita na may paglililo.”


“The LORD, the God of Israel, says, "I hate divorce, and I hate the cruel things that men do. So protect your spiritual unity. Don't cheat on your wife." (Mal.2:16 ERV) Para sa karagdagang paalala, basahin ang Lucas 18 at bulay-bulayin.