Monday, 23 January 2012

Juan 10:30 Si Cristo Dios ba?

" AKO AT ANG AMA AY IISA"

Ang sinabing ito ni Cristo ang isa sa mga talata ng Biblia na karaniwang ginagamit na katunayan na si Cristo ay Diyos. Subalit alam ba ninyo na maraming nasa hanay ng mga naniniwalang si Cristo ay Diyos ay tumututol na ang talatang ito ay katunayan ng diumano'y pagiging Diyos ni Cristo? Tunghayan natin ang pahayag ng isang paring Jesuita na si Stanley B. Marrow: 
(The Gospel of John-A Reading, p. 177)"Gayunman, ang malamang na hindi natin mapansin sa mga pananalitang ito ni Jesus ay, hindi niya sinabi na 'Ako at ang Diyos ay iisa'. Ang buong dahilan kung bakit niya sinabi iyon ay hindi upang angkinin sa sarili ang pagka-Diyos, kundi upang linawin na ang kaniyang mis-yon bilang Siyang Anak ay upang isagawa ang kalooban ng Ama na nagsugo sa kaniya (tingnan ang 4:34; 5:30). Sa pamamagitan ng ganitong pagsunod sa kalooban ng Ama ay pinatutunayan niya ang kaniyang pagiging tunay na Anak. Sa pamamagitan ng kaniyang buong-buong pagsunod ay inihayag niya na ang Diyos ang kaniyang Ama. Dahil sa lubos na pagsang-ayon ng kaniyang kalooban, dahil sa kaniyang pagsunod sa kalooban ng Ama kaya niya nasabi na 'Ako at ang Ama ay iisa'."

     Ayon sa paring Jesuitang ito, hindi pinatutunayan ni Cristo na Siya ay Diyos nang Kaniyang sabihin, "Ako at ang Ama ay iisa." Ang pinatutunayan ni Cristo sa talatang ito ay kaisa Siya sa kalooban ng Diyos at ito'y pina-tunayan Niya sa pamamagitan ng Kaniyang pagsunod.
    
Ang isa pang naniniwala na Diyos si Cristo ay ang Protestanteng komentarista ng Biblia na si A.M. Hunter. Subalit sa kabila ne kaniyang paniniwalang ito, ayon sa kaniya, ang sinabi ni Cristo na "Ako at ang Ama ay iisa" ay hindi katunayan na si Cristo ay Diyos. Sang-ayon din siya na si Cristo ay kaisa ng Diyos sa kalooban at hindi sa kalagayan: 
"... Ang aking Ama at ako ay iisa. Ang kaisahan ay sa layunin sa halip na sa kasiyangaan: 'Iniisip ng Anak ang mga nasa isipan ng Ama, at hinahangad ang layon ng Ama, at gumagawa sa kapangyarihan ng Ama' ..." (The Cambridge Bible Commentary: The Gospel According to John, Commentary, p. 107)

    Bakit kahit ang mga nagtataguyod ng aral na Diyos si Cristo ay tinatanggihan na ang nasa Juan 10:30 ay katunayan na si Cristo ay Diyos? Ang iskolar ng Biblia na si Albert Barnes ay nagbigay ng komento sa talatang nabanggit:

"Ako at ang aking Ama ay iisa. Ang salitang isinalin na 'iisa' [one] ay wala sa masculine [panlalaki] kundi nasa neuter gender [walang kasarian]. Ito'y naghahayag ng pagiging isa (union), subalit hindi tiyak ang uri ng union na iyon. Ito'ymaaaring maghayag ng anumang union, at ang partikular na uri na tinutukoy ay mahihinuha mula sa pagkakaugnay. Sa naunang talata ay sinabi niya na siya at ang kaniyang Ama ay nagkakaisa sa iisang layon—alala-ong baga'y sa pagtubos at pangangalaga sa kaniyang bayan. Ito ang diwa ng kaniyang pangungusap." (Barnes' Notes—Notes on the New Testament, p. 293)

    Si Albert Barnes ay isang iskolar sa Biblia at pastor ng Presbyterian Church. Ang iglesiang kaniyang kinabibilangan ay naniniwala na si Cristo ay Dios. Ngunit itinu-turo niya na ang nasa Juan 10:30 ay hindi katunayan na si Cristo ay Dios. Ayon sa kaniyang pag-aaral, sa wikang Griyego, ang salitang "iisa" na nasa Juan 10:30 ay hindi masculine kundi neuter na tumutukoy sa pagkakaisa, hindi sa kalagayan kundi sa layunin.

  
  Narito pa ang karagdagang patotoo ukol sa isyung ito ng mga nasa hanay ng mga naniniwala na si Cristo ay Dios: 
"Ang salita para sa 'isa' ay ang neuter na hen, at hindi ang masculine na heis: Si Jesus at ang kaniyang Ama ay hindi iisang persona, gaya ng ibig ipakahulugan ng masculine ... si Jesus at ang kaniyang Ama ay lubos naiisa sa pagkilos, sa kanilang ginagawa ..."(The Pillar New Testament Commentary: The Gospel According to John, p. 394)

"Ang 'iisa' ay neuter, 'iisang bagay', at hindi 'isang persona'. Hindi ipinahahayag dito ang pagkakatulad kundi ang mahalagang pagkakaisa." (The New International Commentary on the New Testament, p. 522)

"Totoong ipinahayag ni Jesus, 'Ako at ang aking Ama ay iisa', (Juan 10:30). Subalit hindi ito nangangahulugang si Jesus at ang Kaniyang Ama ay iisang Persona ... dahil ang Griyegong neuter na 
hen ('iisa') ang ginamit ng apostol na si Juan sa halip na ang masculine na heis; kaya ang mahalagang pagkakaisa ang tinutukoy, hindi ang lubos na pagkakatulad." (Systematic Theology: A Pentecostal Perspective p. 174)

     Maliwanag sa patotoo mismo ng mga naniniwala na si Cristo ay Dios na ang sinabi ni Cristo na "Ako at ang Ama ay iisa" sa Juan 10:30 ay hindi mapagbabatayan na si Cristo ay Dios.
Dahil po ang kahulugan po ng kanilang pagiging ISA ay sa layunin at pangangalaga ng tupa, katulad ng mababasa natin sa itaas lamang ng talatang 30, umpisahan lamang pong basahin mula sa talatang 27 hanggang 29  may ganitong sinasabi....
 
" Dinirinig ng aking mga tupa ang aking tinig, at sila'y aking nakikilala, at sila'y nagsisisunod sa akin:At sila'y binibigyan ko ng walang hanggang buhay; at kailan ma'y hindi sila malilipol, at hindi sila aagawin ng sinoman sa aking kamay. Ang aking Ama, na sa kanila ay nagbigay sa akin, ay lalong dakila kay sa lahat; at hindi sila maaagaw ninoman sa kamay ng Ama." bago ang konklusyon ng Panginoong Jesus sa talatang 30.
Bakit po nasabi natin ito? kasi po sinasang-ayunan ng biblia ang katotohanan na yan. Tunghayan po natin ang nasa Juan 17:24 na may ganito pong sinasabi......
" Ama, yaong mga ibinigay mo sa akin ay ibig ko kung saan ako naroroon, sila naman ay dumoong kasama ko, upang makita nila ang kaluwalhatian ko, na ibinigay mo sa akin: sapagka't ako'y iyong inibig bago natatag ang sanglibutan. "

No comments:

Post a Comment