Monday, 23 January 2012

Juan 14:8-9 Ang Ama ay Siya din si Jesucristo?


Ang Ama ay Siya din si Jesucristo?

Atin pong suriin ang talatang madlas nilang gamitin para patunayan na Si Cristo ay Dios, dahil Siya din ang Ama,.Ang Ama at si Cristo ay IISA daw po sinisitas pa nila ang nasa Juan 10:30 para ipakita na may makikita talaga tayong banggit na IISA. Para po sa ikalilinaw atin pong sipiin ang nasabing talata:

Sinabi sa kaniya ni Felipe, Panginoon, ipakita mo sa amin ang Ama, at sukat na ito sa amin.
Sinabi sa kaniya ni Jesus, Malaon nang panahong ako'y inyong kasama, at hindi mo ako nakikilala, Felipe? ang nakakita sa akin ay nakakita sa Ama; paanong sinasabi mo, Ipakita mo sa amin ang Ama? “ [ Juan 14:8-9]

Kung hindi po tayo mag-iisip malamang ang masasabi natin ay “oo nga ano?” pero sandali lang tulad ng sinabi ko suriin po natin ang talata. Tama po ba na ikahulugan na dahil sinabi ni Cristo ang ganun ay Siya na ang Ama? Ang kasagutan po ay nasa biblia pa din po! Tunghayan po natin ang biblia may sinasabi po sa talata na ganito:

At ako'y dadalangin sa Ama, at kayo'y bibigyan niya ng ibang Mangaaliw, upang siyang suma inyo magpakailan man,” [Juan 14:16]

Hayan po nabasa natin na sinabi ni Cristo na.....  "At ako'y dadalangin sa Ama”  Siya daw po ay dadalangin sa Ama. Maliwanag po na mali ang sinasabi ng ilan na ang Ama ay Siya ding Cristo. Paanong mananalangin kung Sila naman pala ay IISA? Ano to lokohan? Natatawa po tayo sa bagay na dapat seryoso, pero opo talagang nakakatawapo yan kasi biro mo lalabas na Nananalangin si Cristo sa sarili[Ama] mismo Niya. Hindi po pupwede na manalangin ka sa sarili mo mismo.

Ngunit ano po ba ang ibig ipahiwatig ni Cristo sa sinabi Niyang “ ang nakakita sa akin ay nakakita sa Ama” simple lang po yan pag tayo po ay nag-iisip, sangguniin po natin ang biblia.....

Sa 1 Juan 5:20 ay may ganito po tayong mababasa:

At nalalaman natin na naparito ang Anak ng Dios, at tayo'y binigyan ng pagkaunawa, upang ating makilala siya na totoo, at tayo'y nasa kaniya na totoo, sa makatuwid ay sa kaniyang Anak na si Jesucristo. Ito ang tunay na Dios, at ang buhay na walang hanggan. “

Nakita po natin na sinasabi ng talata na naparito ang Anak ng Dios (hindi ang Dios mismo) alam natin kung sino ang tinutukoy na “Anak ng Dios” ito ay walang iba kundi ang ating Panginoong Jesucristo!
 Ano daw ang pakay at naparito ang Anak?

Ituloy po natin ang pagbasa “upang makilala natin Siya na totoo” ang tinutukoy po natin na Siya na dapat nating makilala ay ang Dios na totoo,paano po natin makikilala?

Binanggit din po ng talata “sa Kanyang Anak na si Jesucristo”
samakatuwid ng ipinakikila po ng Anak na binanggit sa panghalip na “KANYA” na may Anak ay ang Dios na Ama kaya sa panghuli na banggit ng talata ay ganito “Ito ang tunay na Dios, at ang buhay na walang hanggan. “.

Bakit po natin natiyak na ang tunay na Dios ay ang Ama?

Biblia na din po ang sasagot sa atin, heto po... Juan 17:1,3

1 Ang mga bagay na ito ay sinalita ni Jesus; at sa pagtingala ng kaniyang mga mata sa langit, ay sinabi niya, Ama, dumating na ang oras; luwalhatiin mo ang iyong Anak, upang ikaw ay luwalhatiin ng Anak: “

Sa 3......” At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Dios na tunay, at siyang iyong sinugo, sa makatuwid baga'y si Jesucristo.”

Ayun! Kaya pala sinabi ng Panginoong Jesucristo na ang nakakita sa Kanya ay nakakita na sa Ama, kasi po Siya na mismo ang nagpatotoo sa Ama.

 Iyan po ang pakay ng Anak base sa talata na ipakilala ang ang Ama na Siyang tunay na Dios, at ito ay buhay na walang hanggan. Kaya po ang nakakita sa Anak ay nakakita na sa Ama!

Baka isipin po ninyo bakit pa kailangang ipakilala Siya ng Panginoong Jesucristo gayong bilang Dios pwede namang gawin Niya ang pagpapakita, kasi nga Pinakamakapangyarihan Siya sa lahat?

Parang teka oo nga ano?

 Ganun po ba talaga yon?

Hindi po!

Hindi dahil sa hindi kaya ng Dios kundi ang dahilan ay may batas na Siya tungkol sa makakakita sa Kanya. Sa lumang tipan pa po may pahayag na ang Dios kay Moises kung ano ang mangyayari sa oras na nakita Siya ng tao. Hayaan po nating ang biblia po mismo ang magpahayag po nito sa atin:

Sa Exodus 33:20 ay may ganitong sinasabi....

At kaniyang sinabi, Hindi mo makikita ang aking mukha: sapagka't hindi maaaring makita ako ng tao at mabuhay.

Nakita na po natin kung bakit isinugo Niya ang ating Panginoong Jesucristo para malaman na totoong may tunay na Dios.

Maaring ihirit pa po ng ilan na ganito..... eh bakit? Wala ngang imposible sa Dios pwede niyang gawing hindi mamatay ang tao kahit makita Siya kasi Dios Siya. Pwede po ba yon?
Hayaan po nating biblia po ulit ang sumagot sa atin..... Sa Malakias 3:6 po ay may ganitong mababasa:

Sapagka't ako, ang Panginoon, ay hindi nababago......”

Hindi po tao ang Dios na magbabago ng Kanyang mga sinasabi, katulad na nga lang ng sinabi ng talatang ito...... 

 Ang Dios ay hindi tao na magsisinungaling, Ni anak ng tao na magsisisi; Sinabi ba niya, at hindi niya gagawin? O sinalita ba niya, at hindi niya isasagawa?” [Bilang 23:19]






Juan 10:30 Si Cristo Dios ba?

" AKO AT ANG AMA AY IISA"

Ang sinabing ito ni Cristo ang isa sa mga talata ng Biblia na karaniwang ginagamit na katunayan na si Cristo ay Diyos. Subalit alam ba ninyo na maraming nasa hanay ng mga naniniwalang si Cristo ay Diyos ay tumututol na ang talatang ito ay katunayan ng diumano'y pagiging Diyos ni Cristo? Tunghayan natin ang pahayag ng isang paring Jesuita na si Stanley B. Marrow: 
(The Gospel of John-A Reading, p. 177)"Gayunman, ang malamang na hindi natin mapansin sa mga pananalitang ito ni Jesus ay, hindi niya sinabi na 'Ako at ang Diyos ay iisa'. Ang buong dahilan kung bakit niya sinabi iyon ay hindi upang angkinin sa sarili ang pagka-Diyos, kundi upang linawin na ang kaniyang mis-yon bilang Siyang Anak ay upang isagawa ang kalooban ng Ama na nagsugo sa kaniya (tingnan ang 4:34; 5:30). Sa pamamagitan ng ganitong pagsunod sa kalooban ng Ama ay pinatutunayan niya ang kaniyang pagiging tunay na Anak. Sa pamamagitan ng kaniyang buong-buong pagsunod ay inihayag niya na ang Diyos ang kaniyang Ama. Dahil sa lubos na pagsang-ayon ng kaniyang kalooban, dahil sa kaniyang pagsunod sa kalooban ng Ama kaya niya nasabi na 'Ako at ang Ama ay iisa'."

     Ayon sa paring Jesuitang ito, hindi pinatutunayan ni Cristo na Siya ay Diyos nang Kaniyang sabihin, "Ako at ang Ama ay iisa." Ang pinatutunayan ni Cristo sa talatang ito ay kaisa Siya sa kalooban ng Diyos at ito'y pina-tunayan Niya sa pamamagitan ng Kaniyang pagsunod.
    
Ang isa pang naniniwala na Diyos si Cristo ay ang Protestanteng komentarista ng Biblia na si A.M. Hunter. Subalit sa kabila ne kaniyang paniniwalang ito, ayon sa kaniya, ang sinabi ni Cristo na "Ako at ang Ama ay iisa" ay hindi katunayan na si Cristo ay Diyos. Sang-ayon din siya na si Cristo ay kaisa ng Diyos sa kalooban at hindi sa kalagayan: 
"... Ang aking Ama at ako ay iisa. Ang kaisahan ay sa layunin sa halip na sa kasiyangaan: 'Iniisip ng Anak ang mga nasa isipan ng Ama, at hinahangad ang layon ng Ama, at gumagawa sa kapangyarihan ng Ama' ..." (The Cambridge Bible Commentary: The Gospel According to John, Commentary, p. 107)

    Bakit kahit ang mga nagtataguyod ng aral na Diyos si Cristo ay tinatanggihan na ang nasa Juan 10:30 ay katunayan na si Cristo ay Diyos? Ang iskolar ng Biblia na si Albert Barnes ay nagbigay ng komento sa talatang nabanggit:

"Ako at ang aking Ama ay iisa. Ang salitang isinalin na 'iisa' [one] ay wala sa masculine [panlalaki] kundi nasa neuter gender [walang kasarian]. Ito'y naghahayag ng pagiging isa (union), subalit hindi tiyak ang uri ng union na iyon. Ito'ymaaaring maghayag ng anumang union, at ang partikular na uri na tinutukoy ay mahihinuha mula sa pagkakaugnay. Sa naunang talata ay sinabi niya na siya at ang kaniyang Ama ay nagkakaisa sa iisang layon—alala-ong baga'y sa pagtubos at pangangalaga sa kaniyang bayan. Ito ang diwa ng kaniyang pangungusap." (Barnes' Notes—Notes on the New Testament, p. 293)

    Si Albert Barnes ay isang iskolar sa Biblia at pastor ng Presbyterian Church. Ang iglesiang kaniyang kinabibilangan ay naniniwala na si Cristo ay Dios. Ngunit itinu-turo niya na ang nasa Juan 10:30 ay hindi katunayan na si Cristo ay Dios. Ayon sa kaniyang pag-aaral, sa wikang Griyego, ang salitang "iisa" na nasa Juan 10:30 ay hindi masculine kundi neuter na tumutukoy sa pagkakaisa, hindi sa kalagayan kundi sa layunin.

  
  Narito pa ang karagdagang patotoo ukol sa isyung ito ng mga nasa hanay ng mga naniniwala na si Cristo ay Dios: 
"Ang salita para sa 'isa' ay ang neuter na hen, at hindi ang masculine na heis: Si Jesus at ang kaniyang Ama ay hindi iisang persona, gaya ng ibig ipakahulugan ng masculine ... si Jesus at ang kaniyang Ama ay lubos naiisa sa pagkilos, sa kanilang ginagawa ..."(The Pillar New Testament Commentary: The Gospel According to John, p. 394)

"Ang 'iisa' ay neuter, 'iisang bagay', at hindi 'isang persona'. Hindi ipinahahayag dito ang pagkakatulad kundi ang mahalagang pagkakaisa." (The New International Commentary on the New Testament, p. 522)

"Totoong ipinahayag ni Jesus, 'Ako at ang aking Ama ay iisa', (Juan 10:30). Subalit hindi ito nangangahulugang si Jesus at ang Kaniyang Ama ay iisang Persona ... dahil ang Griyegong neuter na 
hen ('iisa') ang ginamit ng apostol na si Juan sa halip na ang masculine na heis; kaya ang mahalagang pagkakaisa ang tinutukoy, hindi ang lubos na pagkakatulad." (Systematic Theology: A Pentecostal Perspective p. 174)

     Maliwanag sa patotoo mismo ng mga naniniwala na si Cristo ay Dios na ang sinabi ni Cristo na "Ako at ang Ama ay iisa" sa Juan 10:30 ay hindi mapagbabatayan na si Cristo ay Dios.
Dahil po ang kahulugan po ng kanilang pagiging ISA ay sa layunin at pangangalaga ng tupa, katulad ng mababasa natin sa itaas lamang ng talatang 30, umpisahan lamang pong basahin mula sa talatang 27 hanggang 29  may ganitong sinasabi....
 
" Dinirinig ng aking mga tupa ang aking tinig, at sila'y aking nakikilala, at sila'y nagsisisunod sa akin:At sila'y binibigyan ko ng walang hanggang buhay; at kailan ma'y hindi sila malilipol, at hindi sila aagawin ng sinoman sa aking kamay. Ang aking Ama, na sa kanila ay nagbigay sa akin, ay lalong dakila kay sa lahat; at hindi sila maaagaw ninoman sa kamay ng Ama." bago ang konklusyon ng Panginoong Jesus sa talatang 30.
Bakit po nasabi natin ito? kasi po sinasang-ayunan ng biblia ang katotohanan na yan. Tunghayan po natin ang nasa Juan 17:24 na may ganito pong sinasabi......
" Ama, yaong mga ibinigay mo sa akin ay ibig ko kung saan ako naroroon, sila naman ay dumoong kasama ko, upang makita nila ang kaluwalhatian ko, na ibinigay mo sa akin: sapagka't ako'y iyong inibig bago natatag ang sanglibutan. "

Saturday, 21 January 2012

Marapat ba na ipakahulugan na Dios ang panginoong Jesucristo,dahil wala Siyang sinabing "Hindi Ako Dios"?

 
Ang nasabing pangungusap na madalas isagot ng mga naniniwalang Dios si Cristo,ay ating pag-usapan.

Marapat ba na ating tanggapin na dahil sa walang nakatala na sinabi si Jesus, na "Hindi Ako Dios", nangangahulugan na Dios Si Cristo? Ang sagot po ay HINDI!

Bakit po hindi marapat na tanggapin ng tunay na Cristiano ang gayong pangungusap? 
Dahil po dilikado po yan, lalabag po sa biblia yan. Ano po ang katibayan na iyang pananalitang iyan ay delikado? Kasi po pag tinanggap natin,dadami po ang Dios.
Sa biblia po, ang pakilala ng Dios, Siya ay IISA,wala Siyang kagaya.


" Inyong alalahanin ang mga dating bagay ng una: sapagka't ako'y Dios, at walang iba liban sa akin; ako'y Dios, at walang gaya ko; " (Isaias 46:9 TAB)

Hayan po nakita natin na sinabi ng Dios, walang kagaya Niya. Balikan naman natin ang nabanggit na kanina na delikado pag tinanggap natin na dahil walang sinabi Si Cristo na "Hindi Ako Dios" iisipin na natin na Dios Siya, katulad ng ikinakatuwiran ng iba? Delikado po yan. Unang-una po walang Sinabi si Cristo na Siya ay Dios, bagkus sinabi Niya na Siya ay tao.

" Datapuwa't ngayo'y pinagsisikapan ninyo akong patayin, na taong sa inyo'y nagsaysay ng katotohanan, na aking narinig sa Dios....." (Juan 8:40 TAB)

Ngayon po, nalaman natin na inamin ni Cristo na Siya ay tao,dahil ba sa wala Siyang sinabi na "Hindi Ako Dios" iisipin na agad natin na Dios Siya? Hindi parin po kasi wala nga po Siyang sinabi na "Ako ay Dios" sa halip  ang ipinakilala Niyang Dios ay ang Ama.

" Ang mga bagay na ito ay sinalita ni Jesus; at sa pagtingala ng kaniyang mga mata sa langit, ay sinabi niya, Ama, dumating na ang oras; luwalhatiin mo ang iyong Anak, upang ikaw ay luwalhatiin ng Anak.....
At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Dios na tunay, at siyang iyong sinugo, sa makatuwid baga'y si Jesucristo." (Juan 17:1,3 TAB).

Si Cristo po ay Sinugo ng Dios, at ang tunay na iisang Dios ay ang Ama.

Naipakita po natin na ang tunay na IISANG Dios ay ang Ama at si Cristo naman ay TAO
Ano po ang sama pag inisip natin na dahil sa walang sinabi si Cristo na "Hindi Ako Dios" ay Dios na Siya? Dahil nga po sa kadahilanang dadami ang magiging Dios. 

Heto po ipapakita ko po sainyo. Ako po ay tao, nagsasaysay ng katotohanan sainyo, hindi ko rin po sinabi na "Hindi ako Dios" lalabas po niyan pati pala ako Dios. Masama po yan kasi alam naman po natin na ako ay TAO, at sinabi ng biblia na ang Dios ay hindi tao, at ang tao ay hindi Dios.

".......Ako'y dios, ako'y nauupo sa upuan ng Dios, sa gitna ng mga dagat; gayon man ikaw ay tao, at hindi Dios, ......"(Ezekiel 28:2 TAB)
"  Ang Dios ay hindi tao ......(Bilang 23:19 TAB)

Hindi po Dios ang Panginoong Jesuscristo dahil sa katuwiran na walang nakasulat sa biblia na "Hindi Ako Dios". Iyan ay pamimilosopo lang at katuwiran ng isang nauubusan na ng katuwiran na tama mula sa biblia. Nagdudumilat po ang katotohanan na Ang Ama lamang ang iisang tunay na Dios. dios ng Lumang Tipan, at Dios din sa Bagong Tipan.

Sa mga interasadong malaman ang katotohanan sa doktrina ng Iglesia ni Cristo, ay mangyaring magsadya po lamang kayo sa pinakamalapit na gusaling sambahan ng Iglesia ni Cristo, at magtanong po kayo sa mga ministro na nakadistino doon. Ipahayag po ninyo ang inyong layunin, at sinisiguro ko pa na kayo ay paglilingkuran nila.

Acts 20:28 Iglesia ng Dios o Iglesia ni Cristo?

Bilang kaanib sa Iglesia ni Cristo, para sa akin mas tama ang salin ni Dr.George Lamsa sa Gawa 20:28 na may banggit na ganito:

"Take heed therefore to yourselves and to all the flocks in which the Holy Spirit has appointed you overseers, to feed the Church of Christ which He has purchased with His blood" [Acts 20:28 Lamsa Translation]
Sa Tagalog: Ingatan ninyo kung gayon ang inyong mga sarili at ang buong kawan na rito’y hinirang kayo ng Espiritu Santo upang maging mga katiwala, upang pakanin ang IGLESIA NI CRISTO na binili niya ng kaniyang dugo.

Tinutuligsa ang Iglesia ni Cristo sa paggamit ng Gawa 20:28 ng George Lamsa Translation, at sinasabi nila na kaya daw ito ang madalas naming gamitin ay sapagkat natapat lang daw sa aming paniniwala, at doktrina. Ang pagkakasalin daw ni LAMSA sa talatang ito ay MALI, dapat daw ang nakalagay dito imbes na IGLESIA NI CRISTO ay IGLESIA NG DIOS. Dahil hindi daw ito ang nakalagay sa Bibliang Griego. Ang nakalagay daw kasi ay ganito:

προσεχετε ουν ‘εαυτοις και παντι τω ποιμνιω εν ‘ω ‘υμας το πνευμα το ‘αγιον εθετο επισκοπους ποιμαινειν την εκκλησιαν του θεου ην περιεποιησατο δια του ιδιου ‘αιματος” [Act 20:28 Textus Receptus]

Paano ito binibigkas?

prosekhete oun heautois kai panti tō poimniō en hō humas to pneuma to hagion etheto episkopous poimainein tēn EKKLĒSIAN TOU THEOU hēn periepoiēsato dia tou idiou haimatos.”

Kung CHURCH OF CHRIST daw ang nakalagay dapat daw ay:

εκκλησιαν του χριστου” o EKKLĒSIAN TOU KRISTOU”

Mukhang may lohika ano po? Dahil ang nakalagay nga naman sa Bibliang Greek na ito ay:

εκκλησιαν του θεου” o EKKLĒSIAN TOU THEOU”

Na sa English ay “CHURCH OF GOD”, Kaya ang Iglesia ni Cristo daw ay nagbabatay sa isang MALING SALIN ng Gawa 20:28. At sapaglat maraming Biblia, ang nagbatay ng kanilang salin mula sa Bibliang Griegong ito gaya ng KING JAMES VERSION, ay inakala na ng marami na ito ang tumpak na salin ng talata:

Take heed to yourselves and to the whole flock, wherein the Holy Ghost hath placed you bishops, to rule the CHURCH OF GOD which he hath purchased with his own blood.” [Acts 20:28KJV]

Ang hindi alam ng marami, sa wikang Griego ang Gawa 20:28, ay mayroon pang isang version, na ganito naman ang nakalagay:

προσέχετε αυτος κα παντ τ ποιμνίῳ, ν μς τ πνεμα τ γιον θετο πισκόπους, ποιμαίνειν τν κκλησίαν το κυρίου, ν περιεποιήσατο δι το αματος το δίου.” (Acts 20:28 Tischendorf Greek New Testament)

Dito sa Bibliang ito imbes na “IGLESIA NG DIOS” na sa Greek nga ay:

εκκλησιαν του θεου” oEKKLĒSIAN TOU THEOU”

Ang nakalagay po dyan  ay:

κκλησίαν το κυρίου” o EKKLĒSIAN TOU KURIOU”

Sa EnglishCHURCH OF THE LORD” na siya namang pinagbatayan ng Bibliang ito:

Take heed unto yourselves, and to all the flock, in which the Holy Spirit hath made you bishops, to feed the CHURCH OF THE LORD which he purchased with his own blood.”[Acts 20:28 American Standard Version]

At maging ng ating pinakasinaunang tagalog na salin – ANG BIBLIA:

Ingatan ninyo ang inyong sarili, at ang buong kawan, na sa kanila'y ginawa kayo ng Espiritu Santo na mga obispo, upang pakanin ninyo ang IGLESIA NG PANGINOON na binili niya ng kaniyang sariling dugo.” [Gawa 20:28 Ang Biblia, 1905]

Dito pa lamang ay kitang-kita na po natin na sa Bibliang Greek ay may DALAWANG VERSION ang Gawa 20:28, Sapagkat hindi nalalaman ng marami na kung papaanong maraming version ang mga Bibliang English at Tagalog ay gayon din ang Bibliang Greek.
Ang ipinaglalaban nilang salin kung saan nakalagay ang mga katagang “IGLESIA NG DIOS”, ay tama kayang salin?

Paano ba malalaman kung ang salin ng isang talata ay tumpak at tama, kahit na hindi na natin makikita pa kailan man ang orihinal na mga manuskritong aktuwal na naisulat ng mga Apostol?

Narito ang sagot sa atin ng Biblia:

Nguni't ating tinanggap, hindi ang espiritu ng sanglibutan, kundi ang espiritung mula sa Dios; upang ating mapagkilala ang mga bagay na sa atin ay ibinigay na walang bayad ng Dios. Na ang mga bagay na ito ay atin namang sinasalita, hindi sa mga salitang itinuturo ng karunungan ng tao, kundi sa itinuturo ng Espiritu; na iniwawangis natin ang mga bagay na ayon sa espiritu sa mga pananalitang ayon sa espiritu. [1 Corinto 2:12-13  ]

Kailangan nating IWANGIS o PAGKUMPARAHIN ang mga PANANALITANG AYON SA ESPIRITU, ibig pong sabihin iwawangis natin at ikukumpara ang isang talata sa kapuwa talata. Sapagkat sa Biblia ay WALANG KONTRADIKSIYON o SALUNGATAN, mapapatunayan natin na TAMA ang pagkakasalin kung ito ay walang KINOKONTRANG IBANG TALATA sa Biblia.

Suriin naman po natin ang KJV na paboritong gamitin nila para patunayan na “Iglesia ng Dios” tamang salin,heto po....

Take heed to yourselves and to the whole flock, wherein the Holy Ghost hath placed you bishops, to rule the CHURCH OF GOD which he hath purchased with his own blood.” [Acts 20:28 KJV]

Sa Tagalog:

  Ingatan ninyo ang inyong sarili, at ang buong kawan, na sa kanila'y ginawa kayo ng Espiritu Santo na mga obispo, upang pamunuan ang IGLESIA NG DIOS na binili niya ng kaniyang sariling dugo.” [Gawa 20:28 KJV]

Pansinin po natin,

“…upang pamunuan ang IGLESIA NG DIOS NA BINILI NIYA NG KANIYANG SARILING DUGO.”

Lumalabas po sa saling iyan na may dugo po ang Dios. Ano po ba ang turo ng ating Panginoong Jesus tungkol sa Dios?
Ganito po ang ating mababasa sa Juan 4:24.....ANG DIOS AY ESPIRITU: at ang mga sa kaniya'y nagsisisamba ay kinakailangang magsisamba sa espiritu at sa katotohanan.”
Lalabas po na ang espiritu ay may dugo kung ipipilit nila na Dios ang nagbuhos ng dugo sa Gawa 20:28, malinaw din po na kontra na po ito sa turo ni Cristo na nakasulat sa biblia.

Tanong:

Sino nga po ba ang may DUGO na ipinakikilala ng Biblia na siya ring tumubos sa IGLESIA? Kanino po ba binili ng Dugo ang Iglesia?

Muli po nating basahin ang biblia at may ganito po tayong mababasa.....
At pagkakuha niya ng aklat, ang apat na nilalang na buhay at ang dalawangpu't apat na matatanda ay nangagpatirapa sa harapan ng Cordero, na ang bawa't isa'y may alpa, at mga mangkok na ginto na puno ng kamangyan, na siyang mga panalangin ng mga banal. At sila'y nangagaawitan ng isang bagong awit, na nagsasabi, Ikaw ang karapatdapat na kumuha ng aklat, at magbukas ng mga tatak nito: sapagka't ikaw ay pinatay, at binili mo sa Dios ng iyong dugo ang mga tao sa bawa't angkan, at wika, at bayan, at bansa”. [Apoc 5:8-9]

Ang liwanag po ng sinabi ng talatang ito:

“…BINILI MO SA DIOS NG IYONG DUGO ANG MGA TAO SA BAWA'T ANGKAN, AT WIKA, AT BAYAN, AT BANSA”

Ang kinakausap po dito at pinagsasabihan ng mga katagang iyan ay ang CORDERO na siyang BUMILI sa mga tao NG KANIYANG DUGO sa DIOS, na siyempre naman ang MGA TAO na tinutukoy ay tumutukoy sa mga kaanib ng IGLESIA.

Kaya napakaimposible talaga na ang Dios ang bibili ng kaniyang dugo sa Iglesia, kasi nga Una, walang dugo ang Dios, at pangalawa sa kaniya binili ng dugo ang Iglesia.

Eh sino ba iyong Cordero na tinutukoy dito na bumili ng kaniyang dugo sa Dios ang mga tao na siya ngang Iglesia?

Juan 1:29  Nang kinabukasan ay nakita ni Juan si JESUS na lumalapit sa kaniya, at sinabi, Narito, ang CORDERO NG DIOS, na nagaalis ng kasalanan ng sanglibutan!”

Ang tinutukoy po na CORDERO na bumili ng kaniyang dugo sa Iglesia sa Dios ay walang iba kundi ang PANGINOONG JESUCRISTO, at hindi ang Dios. Kaya po tama ang salin ni Lamsa, at meron siyang pahayag kung bakit ganun ang pagkakasalin niya sa nasabing talata. Atin pong tunghayan ang katuwiran ni LAMSA kung bakit niya isinalin ito bilang CHURCH OF CHRIST o IGLESIA NI CRISTO:

The Eastern text reads: "the Church Of Christ which he has purchased with his blood.  Jewish Christians could not have used the term “God”, because in their eyes God is spirit, and spirit has no flesh and blood.  It was Jesus of Nazareth who shed his blood on the cross for us, and not God.” [George M. Lamsa, New Testament Commentary, pp. 149 – 150]

Ang tinutukoy ni Lamsa na Eastern Text ay ang Syriac Peshitta Aramaic, na siyang katutubong wika ni Jesus, isang manuskristo sa Wikang Aramaiko, at kaniyang nilinaw na ang nakalagay o nakasulat doon ay CHURCH OF CHRIST-Ang pinagbatayan ng kaniyang saling ito ay hindi ang mga manuskritong Griego kaya mali na ipinang-aatake ng iba, na maling salin daw ito dahil sa hindi nito sinunod ang mga manuskritong Griego, ano naman kaya ang katibayan nila na mali ang manuskritong Aramaiko at hindi dapat pagbatayan? Wala po!! Sa totoo lang walang sino man na makapagpapatunay na hindi authentic ang mga manuskritong ito.


Dahil po naipapakita po natin na may katuwiran tayo at wala silang malulusot sa kanilang atake, iibahin na naman po nila ang kanilang taktika, babanat na naman po sila ng ganito.....
Kung wala si Lamsa walang magagamit na batayan itong mga INCM para tindigan na tumpak ang saling “ Iglesia ni cristo”!

Tama ba po kaya ang kanilang haka-haka? Tumpak din po kaya ang kanilang sinasabi na si Lamsa lang ang nagsalin na hindi “ iglesia ng Dios" sa Gawa 20:28? Ang atin pong sagot ay hindi po meron pa pong iba maliban kay Lamsa.
Tunghayan po natin ang isang salin na ito.....
Take heed therefore to yourselves, and to the whole flock over which the Spirit of Holiness hath constituted you the bishops; to pasture the church of the Meshiha which he hath purchased with his blood” [. John Etheridge Peshitta-Aramaic NT (1849]

Si Etheridge po !
Ngayon po sino po ba ang tinatawag na Meshiha,o Mesiyas? Kahit po batang paslit ay masasagot po tayo na iyan po ay walang iba kundi ang ating Panginoong Jesucristo.

Wala na po bang may salin na “Iglesia ni Cristo”?

Meron pa po!

Tunghayan po natin ulit ito....

"Therefore, take care of yourselves, and of all the congregation in which you have been appointed through the holy Spirit as bishops, to shepherd the church of Jesus Christ, that which he established by his blood."[Disciples New Testament]


Marami pong manuskritong sumusuporta sa mga saling “ Iglesia ni Cristo” o “ Church of Christ” tulad po nitong mga ito.... MS Syriac 4 (12th century), MS Syriac 325 (12th Centry), MS Syriac 27 (16th century), and the Novum Testamentum Syriace (17th century) mababasa po natin sa english translation na "Church of Christ."


Hindi lang po yan ang ating batayan, ang ating matibay na batayan ay ang mismong biblia na hindi kokontra sa salin na ang nagbuhos ng dugo sa Gawa 20:28 ay ang ating Panginoong Jesuscristo, at Hindi ang Dios na isang Espiritu sa likas na kalagayan.

Tunghayan po natin ang nakasulat sa 1Pedro 1:18-19 ganito po ang ating mababasa.....

Na inyong nalalamang kayo'y tinubos hindi ng mga bagay na nangasisira, ng pilak o ginto, mula sa inyong walang kabuluhang paraan ng pamumuhay, na ipinamana sa inyo ng inyong mga magulang; Kundi ng mahalagang dugo, gaya ng sa korderong walang kapintasan at walang dungis, sa makatuwid baga'y ang dugo ni Cristo:” [1Pedro 1:18-19]

Ang Panginoong Jesucristo po ang nagbuhos ng dugo, iyan po ay kasang-ayon ng ibang talata na nakasulat sa biblia.

Lagi po nating tatandaan ang mga pagtuturo ni apostol Pablo sa mga Cristiano na mga taga Corinto na may ganitong sinasabi.....

Nguni't ating tinanggap, hindi ang espiritu ng sanglibutan, kundi ang espiritung mula sa Dios; upang ating mapagkilala ang mga bagay na sa atin ay ibinigay na walang bayad ng Dios. Na ang mga bagay na ito ay atin namang sinasalita, hindi sa mga salitang itinuturo ng karunungan ng tao, kundi sa itinuturo ng Espiritu; na iniwawangis natin ang mga bagay na ayon sa espiritu sa mga pananalitang ayon sa espiritu. [1 Corinto 2:12-13  ]

Kailangan po nating IWANGIS o PAGKUMPARAHIN ang mga PANANALITANG AYON SA ESPIRITU, ibig pong sabihin iwawangis natin at ikukumpara ang isang talata sa kapuwa talata. Sapagkat sa Biblia ay WALANG KONTRADIKSIYON o SALUNGATAN, mapapatunayan natin na TUMPAK ang pagkakasalin kung ito ay walang KINOKONTRANG ibang talata sa Biblia